CBCP, nababahala sa kaligtasan ng mga OFW sa Hongkong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 642 total reads

Nangangamba ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa kaligtasan ng mga Overseas Filipino Worker sa Hongkong.

Ito ay kaugnay na rin sa patuloy na kaguluhan sa pagitan ng mga raliyista at pamahalaan na nagsimula noong Marso.

Ayon kay Bataan Bishop Ruperto Santos-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, nawa ay tuwinang nasa ligtas na kalagayan ang mga OFW.

“Keep them all safe and away from any form of harm. May they remain steadfast in what they are called to do. We pray that their jobs remain secure so that they may continue to fulfill their goals in working abroad,” ayon kay Bishop Santos.

Tinatayang may 130 libong mga Filipino ang nagtatrabaho at naninirahan sa Hongkong.

Kalakip din ng panalangin ng obispo ang payapang resolusyon sa kaguluhan at matigil na ang karahasan.

“O merciful God and loving Father, we come into your presence and pray for peace in Hong Kong. We implore that You shed your light so that violence in their land may come into an end. Help establish peace despite opposing views,” bahagi ng panalangin ni Bishop Santos.

Una na ring nagkaroon ng serye ng protesta sa Hongkong dulot ng extradition bill na layunin ay ikulong at litisin ang mga lumalabag sa batas sa Mainland China.

Bagama’t binawi na ang panukala ay patuloy pa rin ang mamamayan ng Hongkong.

Kabilang din sa kahilingan ng mga nagpoprotesta ang pagpapatupad ng Universal Suffrage, imbestigasyon hinggil sa isyu ng police brutality at ang pagbawi ng kaso laban sa mga inaresto dahil sa protesta.

Ang Hongkong ay dating bahagi ng British colony na ibinalik sa China na may hiwalay na polisiya at legal system kabilang na dito ang kalayaan sa pagpapahayag at pagtitipon.

Subalit sa taong 2047 ay opisyal ng magiging bahagi ng China ang Hongkong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 33,084 total reads

 33,084 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 69,124 total reads

 69,124 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 295,394 total reads

 295,394 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 188,861 total reads

 188,861 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 281,143 total reads

 281,143 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 6,071 total reads

 6,071 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top