Ilang barangay sa Casiguran, Aurora lubog pa rin sa baha

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 652 total reads

Patuloy pa ring nangangamba ang mga residente ng Casiguran Aurora, lalu’t patuloy ang pag-ulan habang ilang barangay pa rin ang mataas ang tubig na dulot ng bagyong Tisoy.

Ayon kay Fr. Jose Francisco Talaban, parish priest ng San Antonio de Padua sa Casiguran, Aurora may 1,390 pamilya ang apektado ng bagyo habang 254 na pamilya pa rin ang nanatili sa mga evacuation centers.

Ang Casiguran, Aurora ay nasasakop ng prelatura ng Infanta.

Ilang pang mga lansangan ang hindi pa rin madaanan kaya’t hindi pa napupuntahan ang ilang mga barangay na lubog sa baha kabilang na dito ang barangay ng Esperanza, Calangcuasan, at Culat.

“May mga lugar kaming mabababa talaga na hindi namin mapuntahan dahil napapalibutan ng ilog. Nangangamba kami kasi patuloy pa rin ang pag-ulan,” ayon kay Fr. Talaban sa panayam ng Radio Veritas.

Panawagan din ng pari ang tulong para sa mga apektadong pamilya.

Ayon kay Fr. Talaban nagsimulang tumaas ang tubig kagabi dulot ng mga pag-ulan na dala ng papalabas na bagyong Tisoy.

Paliwanag ng pari ang Casiguran ay isa ring catch basin na napapaligiran ng tubig at ilog dagdag pa ang tubig na dulot ng high tide.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 118,313 total reads

 118,313 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 255,870 total reads

 255,870 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 371,646 total reads

 371,646 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,356 total reads

 487,356 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top