NBP inmates, nagpabaon ng panalangin sa bagong tungkulin ni Cardinal Tagle sa Roma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 840 total reads

Naging emosyonal si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa pagtatapos ng pinangunahan niyang banal na misa sa New Bilibid Prison Maximum Security noong ika-21 ng Disyembre.

Ito ay matapos siyang alayan ng panalangin ng mga bilanggo para sa kanyang bagong misyon bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples sa Vatican.

Sa panalangin ng mga bilanggo inilahad ang kanilang pagpapabaon ng pagmamahal sa Kardinal at paghingi ng patnubay sa Diyos na iligtas siya mula sa mga sakuna o panganib.

Dagdag pa dito, ipinagdasal din ng mga bilanggo ang kalakasan at malusog na pangangatawan ni Cardinal Tagle upang ganap niyang magampanan ang kan’yang paglilingkod bilang tapat na alagad ng Diyos.

Umaasa din ang mga ito na muling magkaroon ng pagkakataon ang Cardinal upang makadalaw sa mga bilanggo ng New Bilibid Prison.

“Sa kan’ya pong pag-alis, nais po naming ipabaon sa kan’ya ang aming pagmamahal, pagmamahal ng mga bilanggo. Hinihiling din po namin na sa ibang panahon, makadalaw pa rin s’ya dito sa amin. Panginoon, patnubayan po ninyo ang aming Mahal na Kardinal, saan man po s’ya mapunta ay maging ligtas po s’ya sa anu mang sakuna o panganib. Pagkalooban po ninyo s’ya ng kalakasan at malusog na pangangatawan para po lubos n’yang magampanan ang kan’yang paglilingkod bilang tapat mong alagad.” Bahagi ng panalangin ng mga bilanggo para kay Cardinal Tagle.

Labis naman ang pasasalamat ni Cardinal Tagle sa panalangin ng mga bilanggo at nangako ito na kung magkakaroon ng pagkakataon ay muli siyang bibisita sa NBP kahit hindi pasko.

Aminado naman ang Cardinal na maging siya ay walang kasiguraduhan sa kan’yang magiging bagong misyon subalit hinimok nito ang mga preso na manatiling nagtitiwala sa Diyos na mapagmahal.

Lubos din aniya siyang umaasa sa panalanging pabaon at taos pusong pagmamahal ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison.

“Katulad nung kwento ko kanina, sabi nung bilanggo maraming bagay hindi raw sigurado sa kan’ya, ganun din ho ang pakiramdam ko ngayon ang daming hindi ko alam. Yun nalang, magtiwala sa Panginoon, na napakaraming tao na kahit hindi ko nakausap, hindi ko nakaulayaw pero nagsasabi na magdarasal at ako po’y umaasa talaga sa mga dasal ninyo sa selda, sa chapel, dito sa covered court lalo na galing po sa inyong puso.” Bahagi ng mensahe ni Cardinal Tagle.

Taun-taon pinangungunahan ni Cardinal Tagle ang banal na misa sa New Bilibid Prison bilang bahagi ng pagdiriwang sa pasko na inoorganisa ng Caritas Manila Restorative Justice Ministry.

Maihahalintulad naman ang pag-aalay ng panalangin ng mga bilanggo kay Cardinal Tagle sa naging buhay ng Panginoong Hesus kung saan nakihalubilo ito sa mga makasalanan, mga minamaliit at mga nakalilimutan na ng lipunan.

Magdala ng kagalakan, pagdamay sa mga bilanggo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 2,115 total reads

 2,115 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 37,620 total reads

 37,620 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 74,104 total reads

 74,104 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 92,315 total reads

 92,315 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 176,552 total reads

 176,552 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,263 total reads

 378,263 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top