Patuluyin si Hesus sa ating buhay, panawagan ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 732 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle ang mananampalataya na piliin at tanggapin si Hesus sa buhay ng bawat isa.

Sa pagninilay ng arsobispo sa taunang pagtitipon sa Missionaries of Charity sa Tayuman Manila, hinamon nito ang mananampalataya na isabuhay ang diwa ni Hesus, ang sentro ng pagdiriwang ng Pasko ng Kapanganakan.

“Piliin natin Siya [Hesus] at tanggapin; ‘Yan ang Pasko, ang Diyos kapiling natin kahit tinanggihan siya ng mga tao,” bahagi ng pagninilay ni Kardinal Tagle.

Paliwanag ng incoming Prefect for the Congregation of the Evangelization for People, maaring iwanan ang tao ng kanyang pamilya, kaibigan o mawawala ang kayamanan, at iba pang materyal na mga bagay subalit iisa lamang ang natitiyak na ang Diyos ay mananatili sa bawat indibidwal.

Hinikayat ni Cardinal Tagle ang halos isanlibong dumalo sa Banal na Misa na ibahagi si Hesus sa pamayanan sa pamamagitan ng pakikipagkapwa tao at paglingap sa mga higit nangangailangan sa lipunan.

Aniya, ang pagdiriwang ng Pasko ng Pagsilang ay sumasagisag ng pananahan ng Diyos sa tao kaya’t mahalagang isabuhay ito araw-araw upang higit na mapag-alab at maramdaman ang tunay na diwa ng Pasko.

“Ang Pasko ay pasimula ng walang hanggang pagsasapiling ng Diyos sa atin; Kung si Hesus ay kapiling natin yun din ang ipakita at ipadama natin sa kapwa,” ayon sa Kardinal.

Ang Missionaries of Charity ay taunang namamahagi ng mga pamaskong handog sa mga kapus-palad partikular ang mga walang tahanan na palaboy-laboy sa mga lansangan, mga batang may karamdaman, at mga inaabandonang indibidwal.
Katuwang ng mga madre ang iba’t ibang grupo at organisasyon na nagkakawanggawa para sa mga dukha sa lipunan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Pasko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 40,121 total reads

 40,121 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 120,159 total reads

 120,159 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 153,607 total reads

 153,607 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 188,905 total reads

 188,905 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 413,916 total reads

 413,916 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top