Dayalogo, mahalaga sa pagkamit ng kapayapaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 695 total views

Inihayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na dapat paigtingin ang pagsusulong ng mga programang makatutulong sa pagkakamit ng kapayapaan sa lipunan.

Ayon kay Marawi Bishop Edwin Dela Peña, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Inter-Religious Dialogue, mahalaga ang pakikipag-usap upang matamo ang pagkakasundo sa pamayanan.

“Nagpapahiwatig lamang sa atin na kailangang palakasin natin ang ating ginagawa tungkol sa dialogue, pakikipagkasundo sa kapwa natin na iba ang paniniwala at relihiyon,” pahayag ni Bishop Dela Peña sa Radio Veritas.

Ang mensahe ng Obispo ay kaugnay sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran bunsod ng US airstrike sa Baghdad International Airport noong ikatlo ng Enero na ikinasawi ni Iran General Qasem Soleimani, ang pinuno ng Quds military force.

Sinabi ni Bishop Dela Peña na dapat pagtibayin ang anumang hakbang tungo sa kapayapaan upang mapigilang mabuwag ang mga programang pangkapayapaan.

Aminado ang Obispo na malaking hamon ito sa bawat isa lalo na sa Pilipinas kung saan ipinagdiriwang ang Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous Peoples na layong pagkaisahin ang mamamayan sa pamamagitan ng pakikipag-usap.

“Ito’y challenge sa atin na ‘yung ginagawa natin na Year of inter-religious dialogue ay napapanahon upang labanan ang anumang hadlang para sa pakikipagkasundo at pakikipag-ugnayan,” saad ni Bishop Dela Peña.

Ikinalungkot ng Obispo ang kaguluhan sa pagitan ng dalawang bansa na malaking banta sa kaligtasan ng mga residente at ekonomiya sa lugar at maging sa Pilipinas.

Binigyang diin ng opisyal na hindi dapat humantong sa karahasan ang anumang hindi pagkakaunawaan sa halip ay pairalin ang katarungan sa pamayanan.

“Dapat papanig tayo sa katarungan at kapayapaan, we will work for peace,” ani ng obispo.

Dalangin ng obispo ang kaligtasan ng mga mamamayan sa mga bansa sa Gitnang Silangan lalo na ang 1, 600 Filipino sa Iran habang anim na libo naman sa Iraq.

Nanawagan ang Obispo ng panalangin para sa pag-iral ng kaayusan sa pagitan ng mga pinuno ng mga sangkot na bansa para sa kapakanan ng mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 108,232 total views

 108,232 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 232,643 total views

 232,643 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 272,845 total views

 272,845 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 346,858 total views

 346,858 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top