Poong Hesus Nazareno, pumapasan sa dalahin ng mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Inilarawan ng opisyal ng Apostolic Vicariate of Southern Arabia (AVOSA) ang Mahal na Poong Hesus Nazareno bilang kumakatawan sa mga dalahin sa buhay ng bawat mananampalataya.

Sa pagninilay ni Reverend Father Troy Delos Santos, OFM Cap., ang Vicar General ng AVOSA sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pagpapakita ng Panginoon at paggunita sa taunang Traslacion sa Middle East, binigyang diin nito na ang Poong Hesus Nazareno ang taong handang humarap sa pagsubok alang-alang sa sangkatauhan.

“Ang Mahal na Poong Hesus Nazareno ay kumakatawan sa mga taong may dinadala sa buhay at tunay na handang harapin ang pakikibaka sa buhay ng mananampalataya,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Delos Santos.

Tinukoy ni Fr. Delos Santos na ang krus na pasan ng Poong Hesus Nazareno ay sumasagisag sa bawat pasanin ng tao tulad ng mga pagkukulang at pagkakasalang nagawa na dinadala ni Hesus para sa katubusan ng lahat.

“Ang krus ay simbolo lamang na pinasan niya yung ating mga nagawang pagkukulang sa buhay, para sa atin,” ani ng Pari.

Tinatayang humigit kumulang 1, 500 mga Filipino ang nakiisa sa ikalawang taon ng Traslacion sa Abu Dhabi, UAE noong Linggo na pinangunahan ng Hijos Del Nazareno – UAE Chapter katuwang ang mga Filipinong komunidad.

Dalangin ni Fr. Delos Santos sa mananampalataya na patuloy makihati sa krus na pinapasan ni Kristo at maging kaisa sa misyon ng pagpapalaganap ng kabutihan at Mabuting Balita ng Panginoon sa sanlibutan.

Ang AVOSA ay mga simbahang katolika sa United Arab Emirates, Oman at Yemen kung saan mayorya ay mga Muslim.

Sa ika- 9 ng Enero inaasahan ang 20 milyong deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno ang makiisa sa Traslacion mula sa Quirino Grandstand patungong Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 40,796 total reads

 40,796 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 120,813 total reads

 120,813 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,260 total reads

 154,260 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,559 total reads

 189,559 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 414,548 total reads

 414,548 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top