Isama sa sakripisyo ang krisis na kinakaharap ng mundo, hamon sa deboto ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 517 total reads

Hiniling ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza sa mananampalataya at deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na alalahanin sa kanilang mga sakripisyo at mga hamong kinakaharap ng mundo.

Tinukoy ng Obispo ang mga pangyayari sa ibang bansa na nakapupukaw ng damdamin at nagdulot ng pag-aalala sa buong mundo tulad ng bushfire na kasalukuyang nagaganap sa Australia.

“Sa mga mahal naming Filipino lalo na ang mga devotees ng Poong Nazareno, sana maisali ninyo sa inyong mga sakripisyo bukod sa mga personal na kahilingan ang mga pangyayari sa ating mundo,” pahayag ni Bishop Alminaza sa Radio Veritas.

Dalangin ni Bishop Alminaza ang pagbuhos ng malakas na ulan sa Australia upang mapahinto ang apoy na tumutupok sa halos 18 million acres na kalupaan na kinabibilangan ng kagubatan, bushland, mga parke at maging mga tahanan.

Hiling din ni Bishop Alminaza na magkaisa ang mamamayan sa pananalangin sa Diyos na mapigilan ang karahasan sa mga bansa sa Gitnang Silangan bunsod ng bangayan ng Amerika at Iran.

Nitong Miyerkules nagpakawala ng labindalawang missile ang Iran at pinasabog ang Al-Asad Airbase sa Iraq na pinaghimpilan ng mga sundalong Amerikano.

“Sana magkaroon din ng kapayapaan at hindi mangyayari ang kinatatakutang digmaan sa Middle East o sa kahit saang bansa,” ani ng Obispo.

Binigyang diin ni Bishop Alminaza na makapangyarihan ang sama-samang panalangin upang makamtan ang kapayapaan at pagkakaisa sa lipunan lalo na’t mag-alay ng sakripisyo ang mahigit sampung milyong deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno sa taunang Traslacion.

Inihalimbawa ng Obispo ang iba’t-ibang kaganapan sa sanlibutan partikular ang pag-usbong ng makabagong mundo na higit na pinaiiral ng tao ang materyal na mga bagay.

“Marami tayong gustong i-embrace, ito yung sinisimbolo ng krus na pinapasan ng Poong Nazareno at naging dahilan ng kanyang pagkadapa,” diin ni Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 40,800 total reads

 40,800 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 120,816 total reads

 120,816 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,263 total reads

 154,263 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,562 total reads

 189,562 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 414,551 total reads

 414,551 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top