HIV-infected devotee, hiling ang kapatawaran sa Poong Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 516 total views

Umaasa ang deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na tuluyang makamtan ang espiritwal na kagalingan at kapatawaran ng mga pagkakamaling nagawa.

Ayon kay alyas ‘Allan’ 35 taong gulang na may Human Immunodeficiency Virus (HIV) mahirap para sa katulad niya ang makipamuhay sa lipunan sapagkat mababa ang tingin ng mamamayan.

“Sana ang sakripisyo kong ito ay sapat para patawarin ako ng Panginoon at maging ng pamilya ko,” pahayag ni alyas Allan sa Radio Veritas.

Paliwanag nito na itinakwil siya ng kanyang pamilya halos dalawang taon na ang nakalipas nang malaman na may taglay siyang HIV.

Bagamat may iilan na nakauunawa sa kanyang kalagayan mas umiiral pa rin ang diskriminasyon at panlalait na kanyang natatanggap maging sa mga kakilala.

Aniya, labis niyang pinagsisihan ang dating buhay na sumira sa kanyang kinabukasan at kasalukuyang inilaan ang kanyang mga oras sa pagdarasal sa Minor Basilica of the Black Nazarene dahil ito ang kanyang pamamaraan sa pagbabalik loob sa Panginoon.

“I always pray to God na sana darating yung time na gagaling ako at makabalik sa normal kung buhay,” ani ni Allan.

Batay sa 2019 report ng Joint United Nations Programme on HIV and AIDS (UNAIDS) tinatayang halos 80, 000 ang bilang ng mga taong living with HIV sa Pilipinas kung saan mahigit 19, 000 ay nasa 15 hanggang 24 na taong gulang.

Nagpaalala din ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care, na pastoral accompaniment ang kinakailangan upang mapangalagaan ang mga taong mayroong HIV-AIDS at maalis ang stigma o masamang pagtingin sa mga ito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 192,445 total views

 192,445 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 222,668 total views

 222,668 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 249,313 total views

 249,313 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 344,286 total views

 344,286 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 352,844 total views

 352,844 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top