Panalangin, pagtutulungan;
panawagan sa pagliligalig ng bulkang Taal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 624 total reads

Inaanyayahan ni incoming Prefect for the Congregation of the Evangelizations of Peoples, Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat para sa kaligtasan ng mamamayan lalu na ang mga naapektuhan ng pagliligalig ng Bulkang Taal.

Hiling ni Cardinal Tagle sa Panginoon ang ibayong kalinga na matulungan sa pagharap ng kasalukuyang pagsubok bunsod ng natural na kalamidad na idinudulot ng bulkan.

Ayon pa kay Cardinal Tagle, tanging ang Diyos ang may kakayanan upang pahupain ang bulkan na kasalukyang patuloy sa pagbubuga ng abo na umaabot na sa mga karatig lalawigan.

Higit na inaalala ng Cardinal ang kaligtasan ng mga matatanda, may karamdaman at iba pang nangangailangan ng pagkalinga upang maging ligtas sa sakuna at kapahamakan dulot ng aktibidad ng bulkang Taal.

Batay sa tala ng Philvocs, nakataas sa alert level 4 o lubhang mapanganib ang kalagayan ng bulkan at malaki ang banta ng malakas na pagsabog dahil sa mga ikinikilos nito sa kasalukuyan kaya’t mariin ang paalala nito sa publiko na lumikas at patuloy na maging handa sakaling sumabog ito.

Nanawagan din si Cardinal Tagle sa mamamayan na nawa’y nakahanda itong lumingap sa pangangailangan ng mga apektadong residente at maging ang pangangalaga sa kalikasan na bahagi ng likha ng Poong Maykapal.

PANALANGIN
Dios na makapangyarihan, muling kaming humaharap sa pagsubok dulot ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Napakaliit namin upang harapin ang lakas ng bulkan.

Subalit naniniwala kaming mapapahupa ng Iyong kamay ang bangis nito. Iligtas mo po kami sa kapahamakan, lalo na ang mga mahihirap, may karamdaman, mga bata at nakatatanda at nag-iisa.

Paigtingin mo rin sa amin ang pagdadamayan, pagmamalasakit at pangangalaga sa kapwa at kalikasan. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo, Amen.

Maria, Ina ng Awa, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Jose, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 3,376 total reads

 3,376 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 38,802 total reads

 38,802 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 75,286 total reads

 75,286 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 93,497 total reads

 93,497 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 177,668 total reads

 177,668 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 5,214 total reads

 5,214 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top