Kabataang Filipino, hinahamon ng Simbahan na pangunahan ang “dialogue for peace”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 721 total reads

Hinimok ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga kabataan na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa kapwa tungo sa mas nagkakaisang pamayanan.

Ayon sa Obispo, malaki ang gampanin ng kabataan sa pagkamit ng pagkakaisa at kapayapaan sa pamamagitan ng pakikipag-usap maging iba man ang pananaw at pananampalatayang kinagisnan ng kapwa.

“Ang hamon sa kabataan ay to communicate or to have a dialogue maging kung ito man ay sa ibang denominasyon,” pahayag ni Bishop Gaa sa Radio Veritas.

Binigyang pansin ng Obispo ang kawalan ng sapat na pakikipagdiyalogo sa lipunan lalo na ng mga kabataan na dahilan ng hindi pagkakaunawaan na kadalasang humahantong sa karahasan.

Ang mensahe ni Bishop Gaa ay kasabay ng pagdiriwang ng ika – 25 anibersaryo ng mga volunteers ng diyosesis sa makasaysayang World Youth Day noong 1995 na pinangunahan ni Saint John Paul II.

Ang nasabing pagtitipon ay itinuturing na pinakamalaking pagtitipon sa buong mundo kung saan mahigit sa limang milyon ang mga mananampalatayang dumalo sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa Luneta.

Pinuna ni Bishop Gaa ang pagkahumaling ng kabataan sa gadget na isa sa mga maituturing na sanhi ng kawalang interes sa pakikipagdiyalogo tungo sa mapayapang lipunan.

Sa Pilipinas, tinututukan ng simbahan ang ikawalong paksa sa siyam na taong paghahanda sa ikalimang sentenaryo kung saan ngayong taon ay itinalaga para sa ‘Year of Ecumenism, Inter-religious Dialouge and Indigenous People sa temang Dialogue towards harmony.’

“Ang kabataan ngayon ay kulang sa dialogue, ang dialogue nila ay nasa gadget, siguro mas maganda isantabi muna natin ang gadget,”panawagan ni Bishop Gaa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,158 total reads

 41,158 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,166 total reads

 121,166 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,613 total reads

 154,613 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,912 total reads

 189,912 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 414,884 total reads

 414,884 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top