Pagnilayan at isabuhay ang turo ng Diyos!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 906 total reads

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mananampalataya na isabuhay ang mga turo ni Hesus na nakalimbag sa Banal na Kasulatan.

Ayon kay Cabanatuan Bishop Sofronio Bancud, SSS-chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Biblical Apostolate-dapat pagnilayan ng bawat isa ang Salita ng Diyos na ipinalaganap ni Hesus sa sanlibutan lalu ngayong ipinagdiriwang ng Pilipinas ang National Bible Month.

“Mga kapatid sa ating pagdiriwang ng National Bible Month, isa itong mahalagang pagkakataon upang hindi lamang pagnilayan ang Salita ng Diyos kundi ating pagsumikapang bigyan ng buhay,” pahayag ni Bishop Bancud sa Radio Veritas.

Paliwanag ni Bishop Bancud na sa pagsasabuhay ng Salita ng Diyos ay mabigyang linaw ang pagpapahayag at pagpaabot ng biyaya ng kaligtasan ng Panginoon na makikita sa pamamagitan ng pagmamalasakit at pagdamay sa higit na nangangailangan sa pamayanan.

Taong 2017 sa bisa ng Presidential Proclamation 124 idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong buwan ng Enero na National Bible Month bilang pagkilala sa kristiyanong pananampalataya ng mga Filipino.

Disyembre naman taong 2018 nang lagdaan ng punong ehekutibo ang Republic Act 11163-ang huling Lunes sa buwan ng Enero bilang  National Bible Day.

Binigyang diin ni Bishop Bancud na kabilang sa pagsasabuhay nito ang paglingap sa kapwa na biktima ng iba’t ibang uri ng sakuna upang maibsan ang paghihirap na naranasan sa pamamagitan ng pagtulong at pagbibigay ng panahon.

“Hari nawa ang ating pagtulong ay magbigay ng sigla at alab ng puso na tumugon at maibahagi ang biyaya ng Panginoon sa kapwang nahaharap sa pagsubok,” saad ng obispo.

Dalangin ni Bishop Bancud na magkaisa ang mamamayan sa paglapit sa Panginoon upang hingin ang lakas at inspirasyon sa Panginoong Diyos na nagkatawang tao.

Ipinapanalangin din ng chairman CBCP-ECBA ang mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal na nawa’y maramdaman ang diwa ng pag-ibig ni Kristo sa tulong ng mga Filipinong nakiisa sa kanilang pinagdadaanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 36,843 total reads

 36,843 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 117,069 total reads

 117,069 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 150,517 total reads

 150,517 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 185,816 total reads

 185,816 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 410,967 total reads

 410,967 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top