Marine peace zone, tugon sa halip na pakikidigma sa China

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 559 total reads

Aktibo ang Washington DC coordinator for the US-Filipinos for Good Governance na mapairal ang kapayapaan sa West Philippine Sea sa pagitan ng China at ng Pilipinas matapos ang desisyon ng UN Permanent Court of Arbitration na pabor sa ating bansa.

Ayon kay Eric Lachica, Washington DC coordinator, Kalayaan Eco-Tourism project US-Pinoys for Good Governance, ipinapanukala nila sa administrasyong Duterte ang pagkakaroon ng ‘marine peace zone’ upang maging tahimik ang lugar.

Kaakibat nito ang pag-protekta sa likas na yaman ng Kalayaan at sa Panatag Scarborough Shoal at sa mga mangingisda maging ang kanilang kabuhayan.

“Ang Kalayaan Economic Tourism Zone, yan po ang aming propsosal kay president Duterte at mga advisers niya na the best way to provide a safe exit for China at the same time safeguard Philippine interest, now we’ll have to create a marine peace zone para mapayapa ang area and protect the environment, the marine eco-tourism zone sa Kalayaan at sa Panatag Scarborough area, so our fishermen, will be protected yung kanilang livelihood, alam ninyo naman sinisira ng China ang mga valuable marine wealth natin,” pahayag ni Lachica sa panayam ng Radyo Veritas.

Ayon pa kay Lachica, upang maiparating ang kanilang panukala sa administrasyon, nakikipag-ugnayan na sila sa mga ahensiyang may kaugnayan sa usapin gaya ng Department of Foreign Affairs, Defense Department at maging sa Philippine Coast Guard.

“We’ve been in communication with the DFA and Defense Dept, with Phil. Coast Guard para we can explore how we can enforce the decision of the arbitral tribunal na yung atin ay atin at yung ating mga marine resources will be protected,” dagdag ni Lachica.

Maliban sa gobyerno, nakikipag-ugnayan na rin ang grupo sa mga non-government organization (NGOs) gaya ng Kalayaan Atin Ito, Young People Protector, Marcha group at Anakbayan upang makasama nilang humarap sa Pangulong Rodrigo Duterte para ipanukala ang Kalayaan Economic Tourism Zone.

Nauna nang hindi kinikilala ng China ang desisyon ng Arbitral Tribunal at iginiit nila ang kanilang nine dash line claim na sinasabi ng tribunal na pasok sa exclusive economic zone ng ibat-ibang mga bansa gaya ng Pilipinas.

Sa desisyon ng Arbitral Tribunal, binabalewala nito ang nine dash line ng China, may karapatan ang mga mangingisda sa Pilipinas na mangisda sa Scarborough Shoal na inaangkin ng China at ang mischief reef ay itinuturing na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas at binatikos din ng tribunal ang pagsira ng China sa coral reef nang gumawa sila ng artificial islands na sinasabing dapat silang managot dahil ito ang pinakamalaking pinsala sa coral reef sa kasaysayan.

Ang West Philippine Sea ay may sukat na 3.5 milyong kuwadrado kilometro.

Una ng inihayag ni Justice Antonio Carpio na base sa kasaysayan hindi sakop ng China ang West Philippine Sea dahil malayo ito sa kanilang Exclusive Economic Zone kasabay ng pagsasabing kapag nawala ito sa bansa, 40 porsyento ng pinagkukunang-yaman ng Pilipinas ang mawawala, tulad na lamang ng mga isda, enerhiya at iba pa.

Una na ring inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na kinakailangan na ang yaman ng nasabing isla ay paghati-hatian ng mga maliliit na bansang nakapaligid dito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 27,380 total reads

 27,380 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 107,528 total reads

 107,528 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 201,754 total reads

 201,754 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 262,243 total reads

 262,243 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 274,740 total reads

 274,740 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 205,430 total reads

 205,430 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 350,021 total reads

 350,021 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top