Masamang epekto ng pagmimina sa climate change

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,144 total reads

Inihayag ng Alyansa Tigil Mina na malaking salik ang exploration, illegal activities at paglabag sa batas ng kalikasan ng mga kumpanya ng minahan sa pagtindi ng nararanasang epekto ng climate change.

Ayon kay Jaybee Garganera national Coordinator ng Alyansa Tigil Aniya, ang labis na environmental degradation ay nagdudulot ng pabago-bagong klima dahil ang duming nagmumula sa mga planta ay basta na lamang itinatapon sa hangin at tubig.

“Pag-nag operate sila ng kanilang mga traktora o kaya naghukay sila ng mga gubat, at pinaandar nila yung kanilang mga planta pati yung paglilinis ng mga mineral nagdudulot sila ng ambag duon sa pagdumi sa hangin.” Pahayag ni Garganera sa Radyo Veritas.

Bukod dito, ang iligal na pagpuputol ng mga puno ay nagdudulot din ng matinding pag-init ng klima dahil nakakalbo ang kagubatang dapat sana’y humihigop sa carbon dioxide at tumutulong sa pagpigil sa baha at landslide.

“Yung mga gubat at watershed na puputulin at kakalbuhin ng mga minahan, nababawasan yung kakayahan n gating gubat na higupin yung maduming hangin, so lalong umiinit ngayon yung klima natin.” Dagdag pa ni Garganera.
Sa kasalukuyan, patuloy ang mining audit ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at sa unang bahagi ng pagsisiyasat, lumabas na nagdulot ng labis na environmental degradation ang apat na minahan sa Sta. Cruz, Zambales.

Dahil dito, sinuspindi na ng DENR ang operasyon ng Benguet Corp Nickel Mines Inc., Zambales Diversified Metals Corp., LNL Archipelago Minerals Inc. at Eramen Minerals Inc.

Tiniyak naman ni Garganera na makikipag-ugnayan ang ATM at nakahanda itong tumulong sa DENR upang mas masusing mapag-aralan ang iba pang large scale mining sites sa bansa.
Batay sa Mines and Geosciences Bureau sa kasalukuyan ay mayroong 40 operating metallic mines at 65 non metallic mines sa bansa na sasailalim sa mining audit.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 4,926 total reads

 4,926 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 29,315 total reads

 29,315 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 65,816 total reads

 65,816 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 286,438 total reads

 286,438 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 320,810 total reads

 320,810 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 386,222 total reads

 386,222 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top