Tumaas na bilang ng vigilantism sa war on drugs, kinondena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 311 total views

Kinondena ng Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila ang patuloy na nagaganap na extra-judicial killings at vigilantism sa war on drugs ng Duterte administration.

Binigyan diin ni Father Atillano “Nonong” Fajardo – Head ng Public Affairs Ministry ng Archdiocese of Manila na dapat manaig ang due process o proseso ng paglilitis sa ilalim ng batas bilang pagbibigay halaga at paggalang sa dignidad ng isang akusado.

Bukod dito, nagpaabot rin ng panalangin ang pari para sa mga kaluluwa ng mga nasawi at kanilang mga naiwang mahal sa buhay.

“The Public Affairs Ministry of the Archdiocese of Manila denounces all extrajudicial killings happening in the whole country done by men in uniform, by vigilantes, and other groups conducted under the baton of the maestro. We uphold due process of law and the dignity of human life. Let us include in our prayers the souls of all the victims,”pahayag ni Fajardo sa Radio Veritas.

Nasasaad sa Article III Bill of Rights, Section 1 ng Saligang Batas na hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ari-arian ang sinumang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas.

Samantala, ibinunyag ng Philippine Alliance of Human Rights Advocate na mahigit sa 250-indibidwal na napapaslang sa war on drugs taliwas sa datos ng Philippine National Police na mahigit sa 100-kaso lamang ng drug related killings sa bansa ang kanilang naitala.

Matatandaang unang binigyang diin ng Task Force Detainees of the Philippines na ang vigilantism o ang sariling paghahatol at pagpaparusa sa mga lumabag sa batas ay isang banta sa kalayaan at demokrasya ng isang bansa na maaring mauwi sa diktaturya.

Sa record ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) hanggang nitong September ng 2015, nasa 46, 276 ang nakakulong na may kaso may kinalaman sa iligal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 30,651 total views

 30,651 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 52,656 total views

 52,656 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 76,998 total views

 76,998 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 100,610 total views

 100,610 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 134,089 total views

 134,089 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top