Yakapin ang kapayapaan ngayong Lenten season, apela sa AFP at rebeldeng komunista.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 597 total reads

March 4, 2020 10:53AM

Umaapela ang pinunong pastol ng Military Ordinariate of the Philippines sa mamamayan partikular sa sandatahang lakas ng bansa at makakaliwang grupo na panibaguhin ang puso tungo sa kapayapaan.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, mahirap abutin ang kapayapaan kung namamayani sa puso ng bawat isa ang poot na ugat ng hindi pagkakaunawaan.

“First thing that really to do ngayong kuwaresma is to know that peace comes from a change and renewed heart,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na makakamtan ang paninibago sa puso ng tao sa pamamagitan ng pagsunod sa mga Salita ng Diyos at pakikinig sa mga aral ng Panginoon na ipinalalaganap ng Simbahan.

Mahalagang paigtingin ng bawat ang isa ang pananalangin na magpatibay sa pundasyon ng pananampalataya ng tao na susi ng pagkakasundo, pagkakaisa at maging daan sa minimithing kapayapaan.

Bukod dito ay ipadama rin sa kapwa ang pagmamahal sa pamamagitan ng kawanggawa sapagkat mahalaga sa komunidad ang pagtutulungan at malasakit sa isa’t-isa.

“Being charitable to others, brings a kind of heart that we have, ang pagmamahalan kasi kung walang pagmamahal imposible ang pagkakaroon ng kapayapaan,” ani ng obispo.

Magugunitang 1969 nang magsimulang mag-aklas ang Communist Party of the Philippines – New Peoples’ Army – National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) laban sa pamahalaan at isinusulong ang pagkakapantay-pantay sa lipunan.

Kaya’t patuloy ang panawagan ng Simbahang Katolika na pairalin ang pagkakasundo sa pagitan ng pamahalaan at makakaliwang grupo upang tuluyang mawakasan ang higit limang dekadang pakikibaka.

Paalala ni Bishop Florencio sa Armed Forces of the Philippines at rebeldeng grupo na bahagi sa iisang pamilya ang bawat isa sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw.

“Para sa AFP at maging sa mga rebelde, we belong to one family, we are brothers and sisters and we belong to one objective; peace and happiness,” giit ni Bishop Florencio.

Binigyang diin ni Bishop Florencio na walang maidudulot na kabutihan ang pakikipagdigma at hindi rin ito ang susi upang malutas ang hindi pagkakasundo.

Patuloy ang panawagan ng Simbahan sa magkabilang panig na bigyang pansin ang pag-uusap tungo sa kapayapaan upang maresolba ang anumang hinaing na dapat tugunan.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 33,763 total reads

 33,763 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 136,581 total reads

 136,581 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 221,950 total reads

 221,950 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 268,687 total reads

 268,687 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 316,559 total reads

 316,559 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 413,651 total reads

 413,651 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top