Prayer power, hiniling ng medical frontliners sa Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 819 total reads

March 30, 2020, 2:00PM

Bukod sa pagkain, tubig at medical aid, lubos na nagpapasalamat ang mga hospital workers ng Sta. Ana Hospital at Mandaluyong City Medical Center sa pagdiriwang ng misa sa kanilang pagamutan.

Sa dalawang magkasunod na linggo, simula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine ay nagdiwang ng misa si Fr. Hans Magdurulang ng San Felipe Neri Parish sa dalawang pagamutan kung saan marami ang nakaratay sa sakit dulot ng coronavirus disease.

Ayon kay Fr. Magdurulang, ito ay isang pagpapasalamat sa kanilang paglilingkod sa kabila ng panganib na mahawaan ng sakit.

“When I thanked them, they repeatedly told me that this is what they all really need more, and thank you for the courage to come here,” ayon kay Fr. Magdurulang.

Hiling din ng mga medical workers ang patuloy na panalangin para sa kanilang kaligtasan laban sa sakit upang patuloy na makapaglingkod at tuluyan nang masupil ang pagkalat ng COVID-19.

“They said, please be with us through your prayers. Though we can’t have the mass yet, they ask me to give the prayer and blessing over the paging system of the hospital so that those who can’t join us may also hear and receive the blessing,” ayon pa sa pari.

Si Fr. Magdurulang ay nangakong bibisita sa Sta. Ana Hospital at M-C-M-C tuwing Lunes sa pakikipag-ugnayan na rin sa Our Lady of the Abandoned Parish.

Naniniwala ang pari na biyaya ang paglilingkod ng mga frontliners, at sa pamamagitan ng panalangin sila ay magiging mas matatag at puno nang tiwala sa Diyos na mapagwawagian ang laban kontra sa pandemic.

Bukod sa pananalangin sa mga medical frontliners, patuloy din ang paglaganap ng #ChurchInAction campaign kung saan nagsisilbi na ring pansamantalang tahanan ng mga medical personnel ang mga paaralan, dormitoryo, kumbento at simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 5,314 total reads

 5,314 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 92,322 total reads

 92,322 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 129,695 total reads

 129,695 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 160,956 total reads

 160,956 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 233,514 total reads

 233,514 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top