Simbahan, patuloy pang nagbubukas para sa frontliners

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 746 total views

March 31, 2020-3:13pm

Sa kabila ng patuloy na banta ng Novel Coronavirus sa bansa, pinaalahanan ng obispo ang bawat mananampalataya na manalig sa panginoon at hindi dapat matakot.

Ito ang tugon ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay na rin sa nararanasan ng ilang medical frontliners na nakakaranas ng diskriminasyon lalu’t sila ang pinakalantad na mahawaan ng virus.

“Lahat naman tayo exposed, pati yung mga medical practitioners buong araw exposed sila. So dapat hindi mamayani ang takot, dapat pagtutulungan ang mamayani. Basta gumawa tayo ng nararapat lamang na precautions pero dapat talaga nating tanggapin sila,” ayon kay Bishop Pabillo.

Ilan sa mga medical workers ay hindi na tinatangggap sa kanilang tinutuluyang dahil sa pangambang mag-uwi ng mikrokbyo at makapanghawa.

“May itinutulong din tayo sa mga medical frontliners. Mayroon tayong mga simbahan na nag-o-offer ng mga meeting halls, mg eskwelahan na natutulugan ng mga medical frontliners. Kasi ang iba sa kanila hindi na nakakauwi. Ang iba sa kanila nakakauwi wala namang social space sa bahay nila. Ang iba nga hindi na tinatanggap ng boarding house,” ayon kay Bishop Pabillo.

Una na ring nagbukas ang ilang mga katolikong institusyon bilang pansamantalang tuluyan ng mga health workers at mailapit din sila sa kanilang mga pinapasukang ospital.

Ilan pa sa mga karagdagang nagbukas ng kanilang pintuan bilang pansamantalang titirahan ng mga medical frontliners ang Holy Child Catholic School; Edsa Shrine; Sacred Heart Shrine of Makati; St. Lorenzo Ruiz Dormitory sa Legarda; at Pius Center sa UN Avenue.

Bagama’t marami na ang nasasawi dulot ng COVID-19, may 165 libong katao na rin sa buong mundo ang gumaling mula sa karamdaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 183,983 total views

 183,983 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 214,205 total views

 214,205 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 240,851 total views

 240,851 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 335,824 total views

 335,824 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 344,914 total views

 344,914 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top