335 total views
April 01, 2020, 11:11AM
Ipinaliwanag ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na ang tunay na simbahan ay ang mananampalataya at hindi ang mga gusali.
Ito ang nilinaw ni Bishop Pabillo, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa pagpapatuloy ng pagsasagawa ng mga online at on air na mga misa bunsod pa rin ng pag-iral ng enhanced community quarantine dahil sa corona virus disease.
Aminado ang Obispo na bagamat hindi nakasanayan ng marami ang panunuod at pakikinig lamang ng banal na misa, binigyang diin nito na maaring isabuhay sa bawat tahanan ang simbahan sa pamamagitan ng pakikipagkaisa sa mga banal na pagdiriwang.
“We truly miss going to Church by now. We may see their big structures from a distance. We may hear the regular ringing of their bells. We see them in our screens as we watch the online Masses. But how we wish to go to them and pray. This feeling is very understandable after several weeks of quarantine. But let us not forget that though we may not be able to go to Church, we can still live the church in our homes,” bahagi ng Pastoral Instruction ni Bishop Pabillo.
Iginiit ng Obispo na ang simbahan ay hindi ang gusali o mga larawang nakapinta sa paligid kundi ang bawat taong pumupunta at naglalaan ng oras sa pakikipag-usap sa Panginoon lalo na sa mga banal na Pagdiriwang kung saan mapakikinggan ang pagpapahayag ng mga Salita ng Diyos.
Ayon pa kay Bishop Pabillo, dapat gamiting pagkakataon ang pagsasama-sama ng buong pamilya sa mga tahanan na paigtingin ang pananalangin tulad ng sinabi sa ebanghelyo ni San Mateo.
“Let prayers be echoed in our homes, not just individual prayers but family prayers together. The Lord Jesus said: “In truth I tell you once again, if two of you on earth agree to ask anything at all, it will be granted to you by my Father in heaven. For where two or three meet in my name, I am there among them,” (Mt. 18: 19-20). During this quarantine days let us set aside time together to pray as a family. We join as a family in the online Masses, most especially on Sunday. The Church bells are rung daily at 12 noon and 8pm, inviting families to pray the oratio imperata and the family rosary.” Paanyaya ng Obispo
Hinikayat ng obispo ang bawat isa na ibahagi sa kapwa ang pag-ibig sa pamamagitan ng pagkakawanggawa sa mga taong nakapaligid sa komunidad at sa mga higit na nangangailangan.
Ito ay isang konkretong hakbang ng pagpapakita na buhay ang simbahan sa gitna ng krisis na nararanasan ng mamamayan sa buong mundo.
Naunang nagbukas ang ilang institusyon ng simbahang katolika lalo sa National Capital Region para sa mga frontliners sa laban COVID 19 kung saan bukod sa pansamantalang tuluyan ay namamahagi rin ng mga pagkain.
“We can live the experience of Church in our homes. God is very much present among us even if we cannot go to Church. He comes to our homes when we pray together, let the Word of God be heard within our homes, and love is lived among us as a family.”