Peace and order sa Mindanao, talakayin sana sa SONA -Obispo.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 473 total reads

Umaasa ang obispo ng Prelatura ng Isabela de Basilan na mabibigyang pansin ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kauna-unahang SONA o State of the Nation Address ang usapin ng peace and order sa Mindanao.

Ayon kay Bishop Martin Jumoad, sa mahigit 33 taon niya sa Basilan, paulit-ulit na lamang ang suliranin ng kaguluhan doon na resulta ng walang kinabukasan ng mga mamamayan doon.

Dagdag ng obispo, isa sa dapat lutasin ng Pangulo ang problema sa Abu Sayyaf Group na pangunahing naghahasik ng karahasan sa rehiyon sa pamamagitan ng kidnapping, mga pagpatay, pangingikil at iba pa.

“Unang una, bigyan niya ng pansin ang peace and order talagang yun ang problema dito sa Mindanao, pag may kaguluhan ang mga tao no future at all, I hope he would really focus on peace and order here in Basilan particularly to finish off the Abu Sayyaf… I have been here in Basilan for so many years, because of the presence of high armed groups particularly sa mga politician, let the SWS come to Basilan and make the survey, balik-balik na ito 33 years na ako dito, walang nangyayari parang sarsuwela na.” pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng programang Barangay Simbayanan sa Radyo Veritas.

Iginiit pa ng obispo na kinakailangan ang political will para malutas ang karahasan sa Mindanao gaya na lamang ng pagkumpiska sa mga matataas na kalibre ng armas lalo na ng mga pulitiko doon.

Pahayag pa ng obispo, kahit gaano kalaki ang ibigay na pondo ng national government sa Mindanao, walang magaganap na pagbabago dahil napupunta lamang ito sa iilan.

“Yung budget ginagawa na yun, pag malaki ang budget enjoy ang politicians, maski kahit magkano ang iba-budget ninyo, pag walang political will walang wala talaga yan, walang pagbabago.” Pahayag pa ng obispo.

Kinakailangan aniya na tapat at seryoso ang mga nanunungkulan na labanan ang karahasan sa Mindanao upang ganap itong malutas.

“Need natin the police must be sincere even the armed forces, pag wala ang sincerity to really accomplish walang mangyayari maski bilyon bilyon pa ibigay dito na pera pupunta lang sa mga politicians.” Ayon pa kay bishop Jumoad.

Dahil sa matagal ng kaguluhan sa Mindanao, mahigit na sa 60, 000 ang namatay at mahigit 2.5 milyon na ang Internally Displaced Persons o IDPs.

Una ng inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na hindi tugon ang pag-aarmas upang wakasan ang kaguluhan kundi sa mapayapang dayalogo ng magkabilang panig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 106,824 total reads

 106,824 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 183,327 total reads

 183,327 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 216,775 total reads

 216,775 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 252,075 total reads

 252,075 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 474,427 total reads

 474,427 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 299,630 total reads

 299,630 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 410,153 total reads

 410,153 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top