152 total views
Nagmisa ang Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa St. Anne parish sa Diocese ng Lodz sa Poland, isang araw bago simulan ang selebrasyon ng World Youth Day.
Kaugnay nito, ayon kay Fr. Jade Licuanan, head ng Youth Ministry ng Archdiocese of Manila na nasa Krakow Poland ngayon, namangha ang mga parishioners ng Lodz kay Cardinal Tagle dahil sa abot kamay nila ito at nakisalamuha sa kanila na isang pangarap para sa kanila dahil sa kanilang kultura, hindi basta nakakausap ang mga opisyal ng Simbahan dahil sa higpit ng seguridad.
“Manghang-mangha sila, gulat, nanlalaki ang mata nila, kanilang kultura pala, hindi basta nakakausap ang obispo, nakita nila pari lang ako at biglang kinausap ng cardinal para sa kanila near to impossible, lalo na nang malaman nilang katext ko pa ang cardinal, sabi ko binabantayan ni cardinal ng kalagayaan namin sa airport, at nag-alay din ito ng panalangin sa mga delegado na dumalo sa PCNE kamakailan.” Pahayag ni Fr. Licuanan sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.
Pahayag pa ni Fr. Licuanan, sa nasabing okasyon, mas napatunayan niya ang kababaang loob ni Cardinal Tagle kayat marami rin ang namangha at tumitingala sa kanya dahil sa kanyang mga gawain.
“Pinaka-aabangan ito ng parishioners, dun ko nakita nakilala si cardinal, mapagpakumbaba at magaling, walang pinag-iba dito sa Poland, marami humanga tumingala, marami ang nagpakuha ng larawan sa kanya, di maawat ang mga tao kasi biyaya siya para sa kanila lalo na at marami ang nakakakilala sa kanya dahil sa kanyang mga gawain internationally.” Ayon pa kay Fr. Licuanan.
Ayon pa sa pari, bago ang Misa, pinangunahan ni Cardinal Tagle ang isang workshop noong Sabado sa Lodz Diocese
Nasa 1,700 ang mga Filipinong inaasahang dadalo sa World Youth Day na magsisimula ngayong araw hanggang sa July 31 na layun ng pagtitipon na palakasina ang pananampalataya at relasyon ng mga kabataan sa Panginoon.
Sa Pilipinas, naitala noong 1995 ang pinaka-malaking bilang ng mga kabataan na dumalo sa pagtitipon na naitala sa humigit-kumulang limang milyon.