Peace and order sa Mindanao, talakayin sana sa SONA -Obispo.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 332 total views

Umaasa ang obispo ng Prelatura ng Isabela de Basilan na mabibigyang pansin ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kauna-unahang SONA o State of the Nation Address ang usapin ng peace and order sa Mindanao.

Ayon kay Bishop Martin Jumoad, sa mahigit 33 taon niya sa Basilan, paulit-ulit na lamang ang suliranin ng kaguluhan doon na resulta ng walang kinabukasan ng mga mamamayan doon.

Dagdag ng obispo, isa sa dapat lutasin ng Pangulo ang problema sa Abu Sayyaf Group na pangunahing naghahasik ng karahasan sa rehiyon sa pamamagitan ng kidnapping, mga pagpatay, pangingikil at iba pa.

“Unang una, bigyan niya ng pansin ang peace and order talagang yun ang problema dito sa Mindanao, pag may kaguluhan ang mga tao no future at all, I hope he would really focus on peace and order here in Basilan particularly to finish off the Abu Sayyaf… I have been here in Basilan for so many years, because of the presence of high armed groups particularly sa mga politician, let the SWS come to Basilan and make the survey, balik-balik na ito 33 years na ako dito, walang nangyayari parang sarsuwela na.” pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng programang Barangay Simbayanan sa Radyo Veritas.

Iginiit pa ng obispo na kinakailangan ang political will para malutas ang karahasan sa Mindanao gaya na lamang ng pagkumpiska sa mga matataas na kalibre ng armas lalo na ng mga pulitiko doon.

Pahayag pa ng obispo, kahit gaano kalaki ang ibigay na pondo ng national government sa Mindanao, walang magaganap na pagbabago dahil napupunta lamang ito sa iilan.

“Yung budget ginagawa na yun, pag malaki ang budget enjoy ang politicians, maski kahit magkano ang iba-budget ninyo, pag walang political will walang wala talaga yan, walang pagbabago.” Pahayag pa ng obispo.

Kinakailangan aniya na tapat at seryoso ang mga nanunungkulan na labanan ang karahasan sa Mindanao upang ganap itong malutas.

“Need natin the police must be sincere even the armed forces, pag wala ang sincerity to really accomplish walang mangyayari maski bilyon bilyon pa ibigay dito na pera pupunta lang sa mga politicians.” Ayon pa kay bishop Jumoad.

Dahil sa matagal ng kaguluhan sa Mindanao, mahigit na sa 60, 000 ang namatay at mahigit 2.5 milyon na ang Internally Displaced Persons o IDPs.

Una ng inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na hindi tugon ang pag-aarmas upang wakasan ang kaguluhan kundi sa mapayapang dayalogo ng magkabilang panig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 28,385 total views

 28,385 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 50,390 total views

 50,390 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 74,732 total views

 74,732 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 98,389 total views

 98,389 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 132,052 total views

 132,052 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 19,050 total views

 19,050 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 235,815 total views

 235,815 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top