Caritas Manila, tiniyak ang tulong sa mga hindi pa natutulungang apektado ng COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 719 total reads

April 27, 2020, 1:19PM

Tiniyak ng Caritas Manila ang social arm ng Archdiocese of Manila ang patuloy na pagtulong sa mga nangangailangang pamilya na apektado ng muling pagpapalawig ng Enhanced Community Quarantine bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual, dahil sa muling pagpapalawig ng dalawang linggo sa ECQ hanggang sa ika-15 ng Mayo ay patuloy na kakailanganin ng mamamayan ang ayuda.

Ibinahagi rin ng Pari ang pananalangin ng Simbahan upang hindi magsawa ang mga may mabubuting kalooban na magpaabot ng tulong in-cash or in-kind para sa pangangailangan ng mga mahihirap na mamamayan.

“Siyempre kailangan nating tumulong uli kasi dalawang linggo pang walang trabaho ang mga tao at tiyak magugutom na naman ang mga pamilya kaya’t mahalaga na tayo sa Simbahan ay magdasal na marami pang magmagandang loob na magdonate in-cash and in-kind para mabigyan pa natin sila ng mga pagkain lalo na dito sa Baseco na kung saan napakaraming mahirap…”pahayag ni Pascual sa panayam sa Radyo Veritas.

Muli namang nagpaabot ng pasasalamat ang Pari sa lahat ng mga donors at iba pang katuwang ng Caritas Manila sa pagkakaloob ng tulong para sa mga nangangailangang pamilya na apektado ng krisis na dulot ng COVID-19.

Ipinagdarasal ni Fr. Pascual na mas marami pa ang matulungan ng Simbahan mula sa mga walang sawang magbahagi ng kanilang mga biyaya mula sa Panginoon.

“Tayo nga ay nagpapasalamat sa ating mga donors na sila ay nagmagandang loob na tumulong sa atin at ipagdadasal natin sila na huwag silang magkasakit at lalo pa silang makatulong sa mas marami pang mahihirap na apektadong apektado sa quarantine na ito…”dagdag pa ni Fr. Pascual.

Samantala, pinayuhan naman ng Pari ang mga hindi pa nakatatanggap ng ayuda mula sa Simbahan at pamahalaan na huwag mawalan ng pag-asa sa pagdating ng tulong sa lalong madaling panahon.

“Sa mga hindi pa natutulungan ng Simbahan at gobyerno huwag lang tayong mawalan ng pag-asa, magdasal tayo at darating ang tulong sa lalong madaling panahon…”pahayag ni Fr. Pascual.

Batay sa pinakahuling tala ng Caritas Manila, umaabot na sa 1,361,527 pamilya ang natulungan ng Oplan Damayan ng Caritas Manila na katumbas ng 6,807,635 indibidwal.

Mula ng magsimula ang implementasyon ng Luzon-wide Enhanced Community Quarantine noong ika-15 ng Abril, inilunsad ng Caritas Manila ang Oplan Damayan kung saan nakipagtulungan ang grupo ng mga negosyante na bahagi ng Philippine Disaster Resilience Foundation sa pamamagitan ng inilunsad na Project Ugnayan.

Sa inisyal na datos umaabot na sa 99.2-porsyento ng kabuuang naipamahaging gift check sa mga apektadong pamilya ng Enhanced Community Quarantine katuwang ang mga parokya na tumutukoy sa mga benepisyaryong pamilya na karapat-dapat na tumanggap ng tulong mula sa Project Ugnayan.

Naunang nagpahayag ng pasasalamat si Caritas Internationalis President, Prefect of the Congregation for the Evangelization of People His Eminence Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng mga nakipag-ugnayan at nakipagtulungan sa Simbahang Katolika upang makapagpaabot ng tulong sa mga lubos na nangangailangan mula sa krisis na dulot ng COVID-19.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 11,363 total reads

 11,363 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 67,280 total reads

 67,280 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 152,646 total reads

 152,646 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 199,382 total reads

 199,382 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 247,254 total reads

 247,254 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 347,886 total reads

 347,886 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top