Mother Butler, sabay-sabay na magdarasal para matapos na ang COVID-19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 610 total views

May 4, 2020, 2:43PM

Magkaroon ng pagkakataon sa isang araw na manalangin ng sabay-sabay para sa iisang intensyon na mawakasan na ang pagkalat ng pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Ito ang apela ni Former Ambassador to the Holy See Henrietta de Villa, President ng Mother Butler Guild sa lahat ng mga Mother Butler sa gitna ng patuloy na kinahaharap ng bansa mula sa banta ng COVID-19.

Ayon kay De Villa, isa sa kanyang tagubilin at apela sa mga Mother Butlers ang paghikayat sa sabay-sabay na pananalangin ng buong komunidad upang gabayan ng Panginoon ang bawat isa mula sa pagkalat ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

“Sa kanila sabi ko yung mga parish members ninyo magkaroon kayo ng one time in the day na sabay-sabay kayong magdadasal ng specific devotion huwag na yung mahahaba lets say one Our Father, one Hail Mary, one Glory Be at this time o three Hail Mary’s at this time pero magkasundo sila kung anong oras nila idadasal yun bilang Mother Butler and for what intention for COVID-19 of course…”pahayag ni de Villa sa panayam sa Radyo Veritas.

Matatandaang bahagi ng ipinatutupad na Luzon-wide Enhanced Community Quarantine na muli pang pinalawig hanggang sa ika-15 ng Mayo ay ang pagbabawal sa pagkakaroon ng malalaking pagtitipon dahilan upang pansamantala munang suspendihin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagsasagawa ng pampublikong Banal na Misa.

Ang Mother Butlers Guild (MBG) ay itinatag noong 1961 at napaloob o naging isang miyembro ng Sangguniang Layko ng Pilipinas taong 1976 na sa kasalukuyan ay maroon ng mahigit sa 35,000 miyembro sa buong bansa.

Nagsisilbi ang mga Mother Butler na katuwang ng mga Pari sa Simbahan upang mapanatili ang kaayusaan, at kalinisan at maging ang mga kagamitan sa Banal na Misa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 14,275 total views

 14,275 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 36,280 total views

 36,280 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 60,622 total views

 60,622 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 84,590 total views

 84,590 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 119,334 total views

 119,334 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top