Arsobispo, hinamon ang pamahalaan na bawiin ang go signal sa pagbubukas ng POGO sa bansa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 753 total reads

May 5, 2020, 3:38PM

Dismayado si Ozamiz Archbishop Martin Jumoad sa desisyon ng gobyerno na muling buksan ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa ngunit pinagbabawalan ang pagbubukas ng mga simbahan.

Sa mensahe ng arsobispo, hinamon nito ang mga opisyal ng pamahalaan na pag-isiping mabuti ang mga hakbang na gagawin alang-alang sa kapakanan ng mamamayang Filipino lalo na sa negatibong epekto ng pagsusugal.

“I challenged the government leaders to change their position because that will lead our countrymen to the brink of death,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Ikinalungkot ni Archbishop Jumoad ang desisyon lalo’t ang Pilipinas ang natatanging Kristiyanong bansa sa Asya.

Hinaing ng arsobispo na mas dapat pinapayagan ang pagbubukas sa mga simbahan sapagkat ito ay makatutulong sa paghubog sa mamamayan lalo sa kabataan sa pagkakaroon ng mabuting asal at mapalalim ang pakikipag-ugnayan sa Panginoon sa halip na pairalin ang sugal.

“Bakit pinapayagan ang pagbubukas ng POGO? From the Philippines the only Christian nation in the Far East ngadto (tungo) sa the Philippines the gambling capital in the far East. Asa man (nasaan) ang separation of Church and State?” dagdag ng arsobispo.

Naunang inihayag ng Malakanyang ang pagbubukas ng POGO sa pagtatapos ng ECQ na batay sa paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ito ay kabilang sa hanay ng Business Process Outsourcing.

Ayon naman sa Philippine Amusement and Gaming Corp (PAGCOR) 600 milyong pisong kita ang nawawala sa bansa kada buwan sa paghinto ng operasyon ng POGO na aniya’y makatutulong sa pagpondo ng mga programang tumutugon sa paglaban sa COVID 19.

Samantala, iginiit ni Archbishop Jumoad na dapat prayoridad ng gobyerno ang gawaing para sa Diyos sa halip na ang pagsusugal.

“God first in everything, that must be the priority of our government leaders aron ang mga katawhan, mga kabataan mamahimong Pro God [para ang mga kabataan at mamamayan magiging Pro God],” saad ni Archbishop Jumoad.

Umaasa ang arsobispo na magbago ang isip at desisyon ng mga namumuno sa bansa at magiging Pro God sa bawat hakbang na ipinatutupad at unahin ang Diyos sa lahat.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 25,484 total reads

 25,484 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 123,260 total reads

 123,260 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 208,630 total reads

 208,630 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 255,367 total reads

 255,367 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 303,237 total reads

 303,237 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 400,995 total reads

 400,995 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top