Kapistahan ng Tatlong Patron ng Obando, ipinagdiwang online

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,553 total reads

May 20,2020-1:09pm

Bawat deboto ay kasama sa diwa at panalangin sa pagdiriwang ng kapistahan ng Obando.

Ito ang mensahe ni Fr. Virgilio Ramos, ang kura paroko ng San Pascual Baylon Parish o mas kilala rin bilang Obando Church kaugnay sa pagdiriwang ng tatlong araw na kapistahan sa bayan ng Obando.

Alinsunod sa ipinatutupad ng pamahalaan na community quarantine at physical distancing bilang pag-iingat sa sakit na coronavirus disease, hindi nagkaroon ng sayawan sa kalsada ng Obando at limitado rin ang dumalo sa mga Misa para sa tatlong araw na kapistahan ng parokya.

“Marahil nalulungkot kayo dahil hindi kayo nakadayo sa bayan ng Obando upang papurihan ang ating tatlong patron. Huwag kayong malungkot kayong nasa tahahan, nasa iba’t ibang bahagi ng bansa at maging nasa labas ng bansa, magalak kayo at magpuri sa tatlong patron sapagakt hindi ninyo makakalimutan ang mga nagdaang panahon na kayo ay pumarito sa Obando at dininig ng Panginoon ang inyong panalangin,” bahagi ng mensahe ni Fr. Ramos

Ang Obando Church na siya ring Pandiyosesis na Dambana ng Nuesta Señora de la Inmaculada Concepcion de Salambao na nasasakop ng Diyosesis ng Malolos ay may tatlong patron na nagdiriwang ng kapistahan tuwang ika-17 hanggang ika-19 ng Mayo –si San Pascual Baylon patron ng mga humihiling ng anak na lalaki, asawa at bokasyon sa buhay relihiyoso ay ipinagdiriwang tuwing ika-17 ng Mayo, Santa Clara ng Asisi patron ng mga humihingi ng anak na babae, para sa maayos na panganganak, at patron ng mass media ay ipinagdiriwang ang kapistahan tuwing ika-18 ng Mayo, at ang Mahal na Birhen ng Salambao patron ng himihiling ng matagumpay na hanapbuhay naman ay tuwing ika-19 ng Mayo.

Ang mga misa mayor sa tatlong araw na pagdiriwang ay pinangunahan nina Malolos Bishop Dennis C. Villarojo, Kalookan Bishop-emeritus Deogracias Iñiguez at Novaliches Bishop-emeritus  Teodoro Bacani Jr.

Patuloy ang panalangin ng mga pari at mga obispo na dumalo sa tatlong araw na pagdiriwang ang positibong pagtugon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa patuloy na aplikasyon ng parokya upang maitalaga ito bilang Pambansang Dambana ng Mahal na Birhen ng Salambao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 34,256 total reads

 34,256 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 56,455 total reads

 56,455 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 92,955 total reads

 92,955 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 313,580 total reads

 313,580 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 346,227 total reads

 346,227 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 235,231 total reads

 235,231 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 369,418 total reads

 369,418 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top