Guilty verdict sa opisyal ng Rappler, itinuturing na isang persecution

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,693 total views

June 16, 2020, 12:47PM

Naniniwala ang mataas na opisyal ng simbahan na sinadyang patahimikin at idiin sa kasong cyberlibel si Rappler CEO Maria Ressa.

Ayon kay Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, makikita ang pagsisikap na idiin sa kaso si Ressa at ang kanyang researcher na si Reynaldo Santos Jr. sa kasong nag-ugat noong 2012 at isinampa makaraan ang limang taon sa kabila ng pagpaso ng prescriptive period.

“Talagang it’s a persecution,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa programang Pastoral Visit on-the-air sa Radio Veritas.

Sa ulat ang artikulo ay nailathala apat na buwan bago pa man naisapasa ang Cybercrime Prevention Act na inamyendahan noong 2014.

“Kaya ang sinasabi yung batas ginagamit para magpersecute yung weaponizing the law sa mga kalaban,” ayon kay Bishop Pabillo.

Taong 2012 nang ilathala ng Rappler ang investigative report ni isinulat ni Santos na may titulong “CJ using SUV’s of controversial businessmen.”

Sa artikulo, sinasabing ginagamit ng noo’y si Chief Justice Renato Corona na kasalukuyang sumasailalim sa impeachment trial ang mga sasakyan ng negosyanteng si Wilfredo Keng na inaakusahan din sa artikulo ng human trafficking at ilang pang illegal na gawain.

Si Ressa at Santos ay hinatulang guilty ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng branch-46 ng Manila Regional Trial Court.

Bukod sa anim na buwan hanggang sa anim na taong pagkakulong, pinagbabayad din ng hukuman sina Ressa at Santos ng P400,000 para sa moral at exemplemary damages.

Una na ring inakusahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang website na pinamamahalaan ni Ressa at pangunahing kritiko ng administrasyon na nagkakalat ng mga fake news at pag-aari ng dayuhan.

Ang Rappler ay pinagbawalan din noon na makapasok at mag-cover sa gawain ng pangulo sa Malacañang.

Inihayag ng Obispo na ang nangyari kay Ressa at Santos ay naging banta sa malayang pamamahayag o ang pagsasalita ng katotohanan.

“Nakakatakot na hindi mo alam yung mga karapatan mo na magsalita ka. Yan ba ay igagalang? O baka naman pagnagsalita ka ng laban sa pamahalaan baka ikaw naman ay pag-iinitan.”pahayag ni Bishop Pabillo

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 49,692 total views

 49,692 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 45,561 total views

 45,561 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 81,763 total views

 81,763 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 90,405 total views

 90,405 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 115,529 total views

 115,529 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 80,371 total views

 80,371 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 270,703 total views

 270,703 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top