Mamamayan, hinikaya’t na makialam sa usapin ng Anti-terrorism bill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 696 total reads

June 26, 2020-1:29pm

Hinikayat ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na pag-aralan at alamin ang nilalamang probisyon ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Permanent Committee on Public Affairs, hindi dapat na ipagsawalang bahala ng mga ordinaryong mamamayan ang panukalang batas na naglalaman ng mga kwestyunableng probisyon na maaring magsantabi sa mga karapatan ng bawat mamamayan.

Giit ng Pari, mahalagang maglaan ng panahon ang bawat isa upang makinig at makibahagi sa mga pagtalakay ng mga eksperto kaugnay sa nilalaman at layunin ng Anti-Terrorism bill.

“Kung ikaw ay ordinaryong mamamayan nga baka iniisip mo na wala ka naman ditong dapat na ikabahala, ikatakot pero meron kasing ibang mga provisions doon na pwede kang masabit ng ganun, ganun nalang so ibig sabihin nito you should take time to understand and listen to experts’ discussion about the bill so that you will be informed thoroughly,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Secillano sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag ng pari, hindi dapat na balewalain ang Anti-Terrorism Act of 2020 na maaring magamit laban sa sinuman sa hinaharap sakaling lagdaan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang isang ganap na batas.

“Kasi kung binabalewala lang natin ito baka naman kinabukasan lang paggising natin ‘aba bakit ako ginaganito, bakit ako kinakapkapan, bakit ako kung baga ay wina-wiretap, I don’t know’ kasi there might be a reason for that and that reason is only well known to those implementing the laws,” dagdag pa ng pari.

Nauna ng sinertipikahang ‘urgent’ ni Pangulong Duterte ang panukalang House Bill 6875, o “Anti-Terror bill” na nag-aamyenda sa kasalukuyang Anti-Terrorism Law ng bansa habang una na ring naipasa ang counterpart ng panukalang batas sa Senado na Senate Bill 1083.

Sa ilalim ng House Bill 6875, pinapalawig ang panahon na maaring manmanan ang mga hinihinalang terorista kung pahihintulutan ng korte.

Bukod dito maari ring ikulong kahit wala pang kaso ang mga hinihinalang terorista sa loob ng hanggang 14 na araw.

Una ng nagpahayag ng pagkabahala ang iba’t ibang sektor ng lipunan kasama na ang simbahan kaugnay sa malawak na kahulugan ng panukalang batas sa terorismo kung saan maaring mapanagot ang sinumang babansangang terorista sa ilalim ng batas.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,282 total reads

 14,282 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 72,265 total reads

 72,265 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 157,632 total reads

 157,632 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 204,367 total reads

 204,367 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 252,239 total reads

 252,239 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 352,670 total reads

 352,670 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top