Kampanya kontra ENDO, babantayan ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 409 total reads

Minamatyagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang mga hakbangin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapasara sa mga kumpanyang nagpapatupad ng ENDO o “end of contract” sa bansa.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng komisyon, pakatutukan nito ang pangulo sa determinasyon nitong tanggalin ang talamak na kontrakwalisasyon na pinaiiral ng ilang mga malalaking kumpanya tulad ng mga malls.

Aantabayanan rin ni Bishop Pabillo ang mga panuntunan na ipatutupad ng Department of Labor and Employment o (DOLE) sa hakbangin ito na nais mangyari ng pangulo na matagal na ring ipinaglalaban ng Simbahang Katolika sa paggalang sa karapatan ng mga ordinaryong manggagawang.

“Tignan natin, naghahanap tayo ng pruweba kung gaano siya kaseryoso. Kaya maganda yung hangarin, maganda yung pahayag pero titignan natin paano niya gagawin. Kaya mag – aantay pa tayo sa ngayon wala pang mga guidelines paano ba gagawin ito kung magpapasara siya ng mga company. Tignan natin sinong mga kumpanya ang ipapasara niya,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas Patrol.

Sinasabi sa Integrated Survey on Labor and Employment na isinagawa ng Philippine Statistics Authority noong 2014, apat sa 10 manggagawang Pilipino o 39 percent ang hindi regular sa kanilang trabaho.

Batay dito, tinatayang aabot sa halos 2-milyong manggagawa ang nawawalan ng trabaho matapos mapaso ang kanilang mga kontrata.

Nakasaad naman sa encyclical na Laborem Exercens na sinulat ni St John Paul II, ang paggawa ay mabuti sa tao para ganap niyang makamit ang kanyang pagiging tao.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 16,020 total reads

 16,020 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 5,542 total reads

 5,542 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 87,177 total reads

 87,177 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,402 total reads

 181,402 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,892 total reads

 241,892 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,519 total reads

 255,519 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 204,327 total reads

 204,327 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 349,384 total reads

 349,384 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top