Pakikipagtulungan ng DOLE sa Simbahan, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 526 total reads

Ikinagalak ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Pastoral Care for Migrants and Itinerant People ang maayos na pakikipagtulungan ng Simbahan at ng pamahalaan upang maisalba ang 100 Overseas Filipino Workers sa Kuwait na nawalan ng trabaho.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng komisyon, nagpapasalamat ito sa ilang sangay ng pamahalaan tulad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na tumungo mismo roon upang masiguro ang kaligtasan at kalagayan ng mga migranteng Pilipino sa Saudi Arabia.

Kinilala rin ni Bishop Santos ang masigasig na ugnayan ng embahada ng Kuwait sa mga misyonerong pari at sa Apostolic Vicar ng Northern Arabia na si Bishop Camillo Ballin na nagsumikap upang tuluyang makakuha ng “exit permit” na inaasahan namang makauuwi na ng Pilipinas ngayong Linggo.

“Tayo ay natutuwa at dumating sa atin ang balita na kung saan ay mahigit na 100 na ating manggagawa sa Kuwait ay maipapa – uwi na rito. Ito ay maganda na kung saan nakikita natin ang tulungan ng simbahan at pamahalaan. Kami ay nagpapasalamat sa embassy natin dun sa Kuwait at sa mga pari natin doon at higit sa lahat sa obispo na nangangalaga sa Northern Arabia Vicariate kay Bishop Camilo Ballin,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa panayam Veritas Patrol.

Nabatid na sa ulat ng DOLE na nasa 11,000 OFWs ang apektado ng mga naluluging kumpanya sa Riyadh at Jeddah sa Saudi Arabia na hindi napapasahod ng tama habang ang ilan naman ay tuluyan ng nawalan ng trabaho.

Magugunitang una ng kinilala ni Pope Francis ang kasipagan ng mga halos 15 milyong OFWs sa buong mundo na nagsasakripisyo makaahon lamang sa kahirapan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 63,038 total reads

 63,038 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 98,958 total reads

 98,958 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 134,259 total reads

 134,258 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 360,529 total reads

 360,528 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 250,368 total reads

 250,368 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 294,625 total reads

 294,625 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 406,867 total reads

 406,867 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top