Due process sa illegal drug operations, iginiit ng obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 622 total reads

Mariing kinondena ng Diocese of Butuan, Agusan del Norte ang mga napapaulat na patayang may kinalaman sa kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Ayon kay Butuan bishop Juan de Dios Pueblos, hindi dapat sinasang-ayunan o pinapayagan ang ganitong paraan ng pagsugpo sa kriminalidad.

Sinabi ng obispo, kailangan may ‘judicial process’ ang hakbang lalo na at nasa demokratiko tayong bansa.

“Campaign vs drugs, in that matter, we could not tolerate or allowed just to kill them because of this because of that, it has to undergo judicial process, we are living in a democracy, it has to follow judicial process,” pahayag ni Bishop Pueblos sa panayam ng programang Veritas Pilipinas sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, ayon sa obispo, iniimbestigahan na at minamatyagan na ang mga napaulat na personalidad o mga opisyal ng local government units (LGU’s) sa Mindanao na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga.

Sinabi ni Bishop Pueblos na umaasa siya na magkakaroon ng magandang resulta ang imbestigasyon laban sa mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan.

“That’s true, they are slowly being investigated and monitored so with this kind of work I think something good will come out of this,” Ayon kay bishop Pueblos

Matatandaang limang heneral ng pulisya kabilang ang ilang mayor partikular na sa Cebu at sa Leyte ang pinangalanan ng pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa operasyon ng bawal na gamot.

Sa huling ulat ng Philippine National Police, nasa 565, 806 ang mga drug suspects na ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridad sa buong bansa mula lamang ito July 1 hanggang August 2 ng taon habang 402 ang napapatay sa kampanya kontra ilegal na droga.

Una ng inihayag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na may positibong resulta ang pinaigting na operasyon nito kontra droga dahil marami ang nais magbagong buhay sa pamamagitan ng pagsuko subalit may masama ring epekto ito dahil sa maraming bilang na napapatay na isang paglabag sa karapatang mabuhay at magbagong buhay ng inaakusahang kriminal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 63,010 total reads

 63,010 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 98,933 total reads

 98,933 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 134,233 total reads

 134,233 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 360,503 total reads

 360,503 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 250,344 total reads

 250,344 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 294,623 total reads

 294,623 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 406,865 total reads

 406,865 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top