70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 92,441 total reads

July 16, 2020, 1:38PM

Ipagdiriwang ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya sa ika-15 ng Hulyo, sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa Quezon City.

Ang selebrasyon ay kasabay ng muling pagdaraos ng simbahan ng banal na misa kasama ang publiko.

Ito ay matapos pahintulutan ng Inter-Agency Task Force ang mga simbahan na tumanggap ng mga dadalo sa misa na 10-porsyento lamang ng kanilang kabuuang kapasidad.

Ayon kay Fr. Dennis Soriano, Rector at Parish Priest ng Katedral, malaking hamon para sa simbahan ang pandemyang COVID-19.

Gayunman tinitiyak ng katedral na hindi ito malayo sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga online mass, pamimigay ng pagkain sa mga nasa lansangan at pamamahagi ng mahigit P300,000 na halaga ng mga relief items sa mga barangay na nasasakupan nito.

“A parish is a community of love. Now more than ever, we are called to take care of the poor. Before this crisis, the Philippines is a poor country, now we have become poorer. Joblessness, hunger, and poverty will become severe. We do not know yet how, but we have to do something,” mensahe ni Fr. Soriano.

Nangako si Fr. Soriano na patuloy na maglilingkod ang simbahan lalo na ngayong panahon ng krisis kung saan marami ang nawalan ng hanapbuhay at lalo pang naghirap ang mamamayang Pilipino.

Taong 1935 nang itatag ng mga pari ng Society of the Divine Word ang maliit na simbahan na ngayon ay nagsisilbing katedral ng Diyosesis ng Cubao.

July 15,1950 nang pormal itong maideklara bilang Parokya ng Inmaculada Concepcion at nalipat sa pangangalaga ng Archdiocese of Manila noong April 30, 1990.

Ika-28 ng Agosto 2003 naman ng maiproklama ito bilang katedral ng Diocese of Cubao sa ilalim ng pamumuno ni Bishop Honesto Ongtioco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 31,972 total reads

 31,972 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 68,697 total reads

 68,697 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 86,908 total reads

 86,908 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 171,236 total reads

 171,236 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 207,169 total reads

 207,169 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 378,123 total reads

 378,123 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top