Action plan ng Pangulong Duterte sa Covid-19 pandemic, nais marinig ng obispo sa SONA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 631 total reads

July 22, 2020-2:05pm

Mga ginawa at gagawin ng pamahalaan bilang tugon sa pandemyang nararanasan ng Pilipinas ang nais na marinig ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo sa nakatakdang ika-5 State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa obispo, ito ang pangunahing suliranin ng bansa sa kasalukuyan na nagbunsod na rin sa krisis sa ekonomiya, trabaho at sa sektor ng edukasyon.

“At hindi lang ito maliit na problema. Kasi iba pa iyong mga nagugutom na, iba pa iyong mga nawalan ng trabaho. Iba’y nawalan ng kinabukasan. At dahil dito ay pati ang kabataan ay tinatamaan dahil sa pag-aaral nila, at sa trabaho, iyong mga nag-graduate, Di makakita ng trabaho. Kaya malaki ang problema na dapat pagtuunan, at sana, may solusyon ang gobyerno sa mga pangyayaring ito,” ayon sa pahayag ni Bishop Pabillo.

Kinondena rin ng obispo ang kasalukuyang tugon ng pamahalaan na paglalagay ng pulis at militar sa krisis pangkalusugan na hindi naman matutugunan ng baril at bala kundi ang pagbibigay ng tamang kaalaman sa publiko.

Ayon sa obispo, iginigiit ng gobyerno na pasaway ang mga Filipino na siyang dahilan ng pagdami ng nahahawaan ng Covid-19.

Tulad na lang dito ang naging tugon ng pamahalaan sa problema ng ilegal na droga na hanggang ngayon ay nanatili pa rin sa bansa sa kabila ng higit sa 30-libong napatay na may kinalaman sa droga.

“Hindi ba nangako siya noong bago mag-eleksyon, na magreresign siya after six months kung hindi matanggal iyong droga. Four years na, pero andiyan parin. Hindi naman bumawas after having killed around 30,000 na mga tao. Andiyan parin,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Ayon sa obispo ang ilegal droga ay isa lamang sa mga pangakong hindi naisakatuparan ng pangulong Duterte, bukod pa ang matagal ng usapin ng kahirapan at kawalan ng trabaho ng Filipino.

Una na ring inanyayahan ni Bishop Pabillo ang mga publiko na makiisa sa panalangin sa isasagawang Mass for Justice and Peace sa araw ng pag-uulat sa bayan ng Pangulo sa Lunes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 89,312 total reads

 89,312 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 183,342 total reads

 183,342 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 227,610 total reads

 227,610 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 250,719 total reads

 250,719 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 321,817 total reads

 321,817 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top