Muling pagbuhay sa outdated na Bataan nuclear power plant, pinangangambahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,397 total reads

July 31, 2020, 2:46PM
Nagpahayag ng pagkabahala si Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos sa anunsyo ni Department of Energy Secretry Alfonso Cusi na magkakaroon ng malaking hakbang ang bansa kaugnay sa paggamit ng Nuclear energy bilang karagdagang pagkukunan ng enerhiya.

Ito ay matapos bumuo si Pangulong Rodrigo Duterte ng isang Inter-agency panel na magsusuri at magbabalangkas ng pamamaraan sa paggamit ng nuclear energy sa bansa.

Umaasa ang Obispo na magiging transparent ang pamahalaan sa publiko sa gagawing pagsusuri at magiging resulta nito na dapat ay naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mamamayang Filipino.

“We welcome and accept that there is a need for a study but we want them to be transparent, na-open sa public at it will benefit public interest. Dapat din nilang tandaan na ang bansang Russia ay nagsagawa ng pag-aaral sa Bataan Nuclear Power Plant at ang nakita nila ay absolutely outdated at not passable at all. Dangerous ang nuclear sa Bataan and dangegrous ito sa bansa.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Iginiit ng Obispo na mas dapat tugunan ng pamahalaan ang kakulangan sa mga medical staff, medical facilities at resources lalo ngayong nahaharap ang bansa sa pangkalusugang krisis bunsod ng coronavirus disease.

“Napakataas ng kaso ng Covid, pero waka tayong capacity, wala tayong mga ospital, medisina,at kulang ang [suporta] sa mga scientist. Doon natin ibuhos ang ating pera, ‘yun ang study na dapat nating bigyan ng priority.” ayon kay Bishop Santos

Matatandaang tinuligsa ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, vice-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Commission on Social Action Justice and Peace (CBCP-NASSA) ang draft Executive Order ni Cusi na kabilang ang nuclear power sa isusulong ng pamahalaan na pagkukunan ng enerhiya sa bansa.

Ang lalawigan ng Bataan ang tahanan ng Bataan Nuclear Power Plant na natapos noong 1984 at nagkakahalaga ng 2-bilyong dolyar ngunit hindi na nagamit kasunod ng EDSA People Power Revolution.

Batay naman sa pag-aaral ng Department of Energy (DOE), National Power Corporation (NAPOCOR) at Korean Electric Power Company (KEPCO) na aabot sa $1 billion ang magagastos ng pamahalaan sa loob ng apat na taon para sa muling pagbuhay sa 631-megawatt BNPP.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 21,188 total reads

 21,188 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 41,740 total reads

 41,740 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 113,752 total reads

 113,752 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 199,121 total reads

 199,121 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 245,856 total reads

 245,856 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 293,728 total reads

 293,728 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 391,783 total reads

 391,783 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 315,606 total reads

 315,606 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 421,700 total reads

 421,700 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top