Panawagan ni Bishop Pabillo, sinuportahan ng AMRSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 395 total views

August 22, 2020

Nagpahayag ng suporta ang Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa panawagan ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na pahintulutan na magkaroon ng mas maraming kapasidad ang mga Simbahan.

Ayon kay AMRSP Co-Executive Secretary Rev. Fr. Angel Cortez, OFM ang Simbahan ang nagsisilbing matatakbuhan at makakapitan ng mamamayan upang magkaroon ng inspirasyon, pag-asa at karagdagang tapang na harapin ang kasalukuyang sitwasyon na kinahaharap ng bansa mula sa banta ng COVID-19 pandemic.

Paliwanag ng Pari, ang mga Simbahan na nagsisilbing bahay dalanginan at takbuhan ng mga mananampalataya ay isang mahalagang aspekto sa pagharap ng mga Filipino sa pangamba at takot na dulot ng pandemya.

Iginiit ni Fr. Cortez na mahalagang suriin itong mabuti ng pamahalaan lalo na’t naunang ipinamalas ng Simbahan at ng mananampalataya ang pagsunod sa mga alituntuning ipinatutupad ng pamahalaan bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng sakit.

“Katulad ng panawagan ni Bishop Broderick Pabillo ganun din yung aking panawagan bilang Pari, huwag nilang isipin na dahil ako ay Paring Katoliko kaya gusto kong dumami na yung tao ang iniisip ko lang ay sa dami ng mga mamamayan ngayon na nangangailangan ng makakapitan at ng pagpapalalim ng pananampalataya at inspirasyon wala silang tatakbuhan kundi ang Simbahan, wala silang ibang pupuntahan, so I demand kung ano yung dapat yun yung ibigay nila kasi tayo namang mga Katoliko never tayong hindi sumunod doon sa gusto nilang mangyari…” pahayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radyo Veritas.

Binigyang diin rin ng Pari ang tila hindi patas na pagtingin ng pamahalaan sa mga establisyemento tulad ng mga mall at restaurant kumpara sa mga Simbahan na parehong nasa ilalim ng kasalukuyang General Community Quarantine.

Pagbabahagi ni Fr. Cortez, mas mayroong naangkop na espasyo at kapasidad ang mga Simbahan upang matiyak ang pagpapatupad ng physical distancing para sa mga dadalo sa banal na liturhiya.

“Nakakalungkot lang na ang mga restaurant, ang mga mall at ang iba pang lugar na maliliit ay pinapayagan na nila na maraming pumasok pero ang Simbahan na kung saan malalaki at pwede tayong magkaroon ng social distancing ay pinipigilan nila yung ating paglalakad ng ating pananampalataya…” Dagdag pa ni Fr. Cortez

Kaugnay nito nauna ng pinuna ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo ang pagbago-bagong polisiya ng pamahalaan kaugnay sa bilang ng mga maaaring dumalo sa mga banal na gawain sa mga Simbahan kung saan umiiral ang GCQ.

Ayon sa Obispo, hindi katanggap-tanggap ang pagpapahintulot ng 30-porsyento sa mga restaurants kumpara sa 10-indibidwal lamang para sa mga Simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 21,329 total views

 21,329 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 49,334 total views

 49,334 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 67,134 total views

 67,134 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 66,247 total views

 66,247 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 177,154 total views

 177,154 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top