Caritas Manila, naglaan ng P1M para sa Masbate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,371 total reads

August 25, 2020-12:32pm

Isang milyong piso ang inilaang tulong ng Caritas Manila para sa mga biktima ng 6.6 magnitude na lindol sa Masbate.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual-executive director ng Caritas Manila at pangulo ng Radyo Veritas 846, doble ang paghihirap na nararanasan ng mga residente sa Masbate dulot ng lindol at ang kasalukuyang pandemya.

Tiniyak ni Fr. Pascual ang pagtugon ng Caritas Manila para sa pagbangon ng mga mamamayan ng Masbate sa pamamagitan ng pagbibigay ng “Shelter Assistance Program” katuwang ang Diyosesis ng Masbate at ang Social Action Ministry.

“Matindi ang paghihirap ng ating mga kababayan sa Masbate na alam natin na isa sa mga mahihirap na probinsya tapos ay naapektuhan pa ng lindol kaya tayo ay nakipag-ugnayan kay Bishop [Jose] Bantolo at sa Priest in Charge [Social Action] kay Fr. Jenious Mansalay upang ipagkaloob yung tulong, meron tayong almost a million na budget natin para sa rehab ng mga victims ng Masbate Earthquake,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Tiniyak din ng pari ang patuloy naman na pagkilos ng Caritas Manila upang matulungan ang mga naaapektuhan pa rin ng kahirapan higit lalu dahil sa kasalukuyan suliranin sa Covid19.

Inihayag ni Fr. Pascual na umabot na sa mahigit P1.7B ang tulong na naipa-abot ng social arm ng Archdiocese of Manila katuwang ang iba’t-ibang mga individual donors at private business group.

“Yung mga naitulong na so far umabot na tayo sa P1.7Billion pesos na yun ang ating na distribute heavily sa Metro Manila at 24 na Probinsya na humingi ng tulong sa Caritas Manila.” Dagdag pa ni Fr. Pascual

Isa din ang Diyosesis ng Masbate sa mga nakatanggap ng Covid Asssistance mula sa Caritas Manila na umabot naman sa P500,000.

Tuloy-tuloy din ang ginagawang donation drive ng Caritas Manila para sa mga naapektuhan ng paglindol at mga nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya. Bukas ang nasabing institusyon para sa ano mang pagtulong at pagtugon ng iba’t-ibang grupo o sektor.

HOW TO DONATE ONLINE: (Online bank transfer)
Savings Account Name: Caritas Manila, Inc.
Banco De Oro – Savings Account No.: 000-5600-45905
Bank of the Philippine Islands – Savings Account No.: 3063-5357-01
Metrobank – Savings Account No.: 175-3-17506954-3

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,971 total reads

 14,971 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 73,493 total reads

 73,493 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,860 total reads

 158,860 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 205,596 total reads

 205,596 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 253,467 total reads

 253,467 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,840 total reads

 353,840 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 314,137 total reads

 314,137 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 420,233 total reads

 420,233 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top