“Barya sa pandemya”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 643 total views

August 26, 2020

Taos-pusong nagpapasalamat ang Pondo ng Pinoy Foundation sa mga “Good Samaritan” o mga taong may busilak na pusong nag-aalay ng bente singko sentimos o “mumo” para sa pangangailangan ng kapwang naghihikahos.

Inihayag sa Radio Veritas ni Rev. Fr. Benjie Francisco, Committee chairman ng Pondo ng Pinoy Foundation na dahil sa “mumong” ipinagkaloob ng mga may dalisay na puso ay marami na ang nagkaroon ng kaayusan at kaganapan sa buhay.

Mula “mumo” na kaloob ng mga Good Samaritan ay nakapagbigay ang Pondo ng Pinoy ng 7-milyong pisong relief assistance sa mga lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic kabilang na ang mga mangingisda sa Rosario, Cavite na nabibiyaan ng bangkang pangisda.

Ikinagagalak ni Fr. Francisco ang lumalaganap na kultura o “way of life” ng mga Filipino na pag-alay ng bente-singko sentimos sa Pondo ng Pinoy na umabot na sa 23-milyong piso ngayong taong 2020.

Sinabi ng Pari na dahil sa maliit na binhi ng kabutihan ay naghari ang pagmamahal ni Hesus at simbahan sa mga higit na nangangailangan.

Ayon kay Fr. Francisco, ang kabutihan ng mga nag-aalay ng “momo” o barya ay sumasalamin sa pangarap ni Cardinal Emeritus Gaudencio Rosales na “anumang magaling, kahit maliit basta malimit ay patungong langit”.

Ibinahagi ng Pari na mula 2004 hanggang taong 2020 ay mahigit na sa 300,000 mga kapuspalad ang nabibiyaan sa programa ng Pondo ng Pinoy sa housing, edukasyon(mga scholar), nutrition(feeding program) at relief assistance sa mga naapektuhan ng pandemya.

Nanawagan din si Fr. Francisco sa mga nais magpayaman ng binhi ng kabutihan sa kapwa na ang sentro ng Pondo ng Pinoy ay sa lahat ng parokya, ilang mga paaralan at tanggapan sa buong bansa.

Tiwala si Fr. Francisco na lalo pang lumaganap at maging inspirasyon ang nais ni Hesus na ibigin ang kapwang nagdadarahop sa buhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 30,648 total views

 30,648 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 36,777 total views

 36,777 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 66,919 total views

 66,919 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 86,980 total views

 86,980 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 106,833 total views

 106,833 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top