Walang simbahan kung walang layko-Bishop Alarcon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,217 total reads

September 28, 2020-12:48pm

Kinilala ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mahalagang tungkulin na ginagampanan ng mga layko sa Simbahan.

Ayon kay Daet Bishop Rex Andrew Alarcon-chairman ng CBCP– Episcopal Commission on Youth, mahalaga ang partisipasyon at tungkulin ng mga layko sa pagsasakatuparan ng misyon ng Simbahan na patuloy na maipalaganap ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Hinamon naman ng Obispo ang mga layko na hikayatin ang mga kabataan na maging aktibo sa Simbahan lalu na sacl nararanasang COVID-19 pandemic.

Aminado si Bishop Alarcon na higit na kailangan ang partisipasyon ng mga kabataan sa Simbahan dahil mas lantad sa panganib sa corona virus disease ang mga nakakatanda.

“Ako personally I recognize the indispensable role of the laity na without them, without the laity what is the Church. Due to recognize the role also and at the same time to challenge them to be able to encourage the younger once the youth, those beyond youth that are still able to go out and then continue to harness our potential role to assist people especially during this pandemic and to continue the mission in the midst of this pandemic in bringing the good news and uplifting life…” pahayag ni Bishop Alarcon sa panayam sa Radio Veritas.

Inihalimbawa ni Bishop Alarcon si San Lorenzo Ruiz na kauna-unahang Filipinong Santo na nagsimulang magsilbi sa Simbahan noong kanyang kabataan bilang isang sakristan sa Binondo.

Nilinaw naman ng Obispo na sa kabila ng pagsusulong sa aktibong partisipasyon ng mga kabataan sa Simbahan ay hindi parin magtatapos ang papel ng mga nakatatandang layko sa pagpapalaganap ng misyon ng Simbahan at ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Pagbabahagi ni Bishop Alarcon, tulad ng tinuran ng Kanyang Kabanalan Francisco mahalaga ang malawak na kaalaman at karanasan ng mga nakatatanda upang magsilbing gabay ng mga kabataan sa pagpapatuloy sa kanilang mga nasimulan.

“It doesn’t mean na matatapos na yung contribution nung mga senior leaders natin, in fact yung sinasabi nga ni Pope Francis we need their wisdom but we also must be practical and it is also needed that you know who are able to go out sana ay ma-tap pa natin, I know that there are many limitations as we speak,” paalala ni Bishop Alarcon.

Ang Kapistahan ni San Lorenzo Ruiz na pintakasi ng mga Pilipino at mabuting huwaran ng mga asawa at ama ng tahanan ay ipinagdiriwang tuwing ika-28 ng Setyembre.

Nauna ng inihayag ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na ang mga layko ay lahat ng mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

Nagsimula ang paggunita ng National Laity Week sa Diocese of Pasig noong ika-20 ng Setyembre na ipinagpatuloy sa Archdiocese of Lipa at nagtapos sa Archdiocese of Cebu noong ika-26 ng Setyembre.

Tema ng National Laity Week ngayong taon ang “Shema: Dinggin ang Daing ng Inang Kalikasan; Dinggin ang Pagtangis ng Maralita; Dinggin ang Tawag at Pangako ng Pagkakabuklod-Buklod” bilang pagbibigay halaga sa kalikasan at sa pamayanang labis na naapektuhan ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 33,739 total reads

 33,739 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 68,342 total reads

 68,342 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 124,748 total reads

 124,748 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 246,610 total reads

 246,610 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top