Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pigilan ang mga sumisira sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 604 total views

Kailangan nang magka-isa na pigilin ang patuloy na pagkasira ng kalikasan.

Ito ang hamon ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa mamamayan maging sa pamahalaan kaugnay sa pangangalaga sa kalikasan kasabay na rin ng paggunita sa Season of Creation.

Ayon sa Obispo, na chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on the Laity, ang usaping may kaugnayan sa kalikasan ay nangangailangan ng pagkilos sa halip na magbitiw lamang ng mga salita at magsagawa pa ng iba’t ibang pag-aaral.

Iginiit ng Obispo na sapat na ang mga pag-aaral kung saan nasasaad dito na dahil sa pang-aabuso at pagpapabaya ng mga tao kaya nawawala at nasisira ang balanse ng ating kalikasan at kapaligiran.

“Ang usapin sa kalikasan ay nagtatawag ng pagkilos ng gawa at hindi lang ng talumpati o pag-aaral. Sapat na ang pag-aaral at sinasabi nito na sinisira ng tao ang balance ng kalikasan. Kailangan nang magkaisa na pigilin ang patuloy na pagkasira nito.”, pagninilay ni Bishop Pabillo sa Healing Mass sa Veritas.

Samantala, tinutulan naman ng Obispo ang Kaliwa Dam na proyekto ng pamahalaan na layong makapagbigay ng patubig sa Metro Manila.

Ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng PHP 12.2-Billion ay magdudulot ng pinsala sa higit 300-ektarya ng kagubatan ng Sierra Madre na matatagpuan sa lalawigan ng Quezon.

Nangamba naman ang Obispo dahil ang proyektong ito ay napagkasunduan sa pagitan ng China at Pilipinas.

“Utang sa China ang 12.2 billion peso-dam na ito. Maraming manggagawa dito ay mga intsik at kung may hindi pagkakasundo sa kontrata, ang korte sa China ang magpapasya at hindi [ang] korteng Pilipino.”, ayon sa Obispo.

Hinikayat naman ni Bishop Pabillo ang lahat ng mamamayan na kumilos na alang-alang sa bayan lalo’t higit, alang-alang sa inang kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 46,049 total views

 46,049 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 78,044 total views

 78,044 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 122,836 total views

 122,836 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 146,019 total views

 146,019 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 161,418 total views

 161,418 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 4,448 total views

 4,448 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top