Diocese of Legazpi, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,291 total reads

Nanawagan sa publiko ang Social Action Center ng Diocese of Legazpi na magpaabot ng tulong para sa libo-libong pamilyang naapektuhan ng panibagong pagliligalig ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay.
Sa inilabas na situation report ng SAC-Legazpi, nagbuga ang bulkan ng pinakamalakas na pyroclastic density current mula sa Mi-isi Gully noong ikalawa ng Mayo, na nagdulot ng makapal na ashfall sa ilang barangay sa Oas, Guinobatan, Ligao City, at Camalig, dahilan upang mapilitang lumikas ang libo-libong residente.

Batay sa pinakahuling tala, mahigit 195,000 indibidwal o halos 56,000 pamilya mula sa 129 barangay ang naapektuhan ng pag-ulan ng abo, habang 1,133 pamilya o mahigit 4,000 katao ang kasalukuyang nanunuluyan sa 17 evacuation centers.

“As of this report, no evacuees are sheltered in parishes or churches within the Diocese of Legazpi… No deaths, injuries, or missing persons have been reported as of this writing,” ayon sa SAC Legazpi.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nanatiling nasa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon kasabay ng mahigpit na pagpapatupad ng pagbabawal sa loob ng anim na kilometrong Permanent Danger Zone.

Naitala rin ang paunang pinsala sa agrikultura kabilang ang pagkasira ng mga pananim, halaman, gayundin ang pagkamatay ng ilang alagang hayop dulot ng makapal na abo.

Bunsod nito, nangangamba ang mga residente sa posibleng epekto nito sa suplay ng pagkain at kabuhayan ng mga magsasaka habang nagpapatuloy ang assessment ng mga lokal na pamahalaan ng Camalig at Guinobatan sa kabuuang lawak ng pinsala.

“The Municipal Government of Camalig and Guinobatan are continuing its assessment to determine the full extent of agricultural damage and its impact on affected communities. Final figures on crop losses and estimated cost of damage are pending,” ayon sa ulat.

Dahil dito, inilunsad ng SAC-Legazpi ang isang donation drive para sa mga evacuee, kabilang ang face masks, inuming tubig, pagkain, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Maaaring maghatid ng in-kind donations sa Albay Cathedral Compound sa Legazpi kung saan matatagpuan ang tanggapan ng SAC-Legazpi.

Para naman sa cash donations, maaari itong ipadala sa GCash account ni Legazpi SAC Director, Fr. Eric Martilliano sa 0995-749-6571, o sa BPI account na Social Action Center-SPM, sa account number na 0851-0067-37.

Hinihikayat ang mga donor na ipadala ang kopya ng kanilang transaksyon sa Facebook page ng SAC Legazpi para sa wastong pagkilala at maayos na dokumentasyon ng kanilang donasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 123,821 total reads

 123,821 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 155,551 total reads

 155,551 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 257,378 total reads

 257,378 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 297,935 total reads

 297,935 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 313,278 total reads

 313,278 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 139,488 total reads

 139,488 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top