Kaligtasan ng mamamayan laban sa “hantavirus”, panalangin ng simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,362 total reads

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) kaugnay ng patuloy na banta ng hantavirus, isang sakit na mula sa mga daga at maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon at pagkamatay sa tao.

Kasunod ito ng pagkasawi ng tatlong indibidwal sa isang cruise ship sa Atlantic Ocean, habang patuloy na iniimbestigahan ng mga opisyal sa kalusugan ang mga naitalang kaso ng naturang viral infection.

Ayon sa WHO, naipapasa ang hantavirus sa tao sa pamamagitan ng direktang pagkakadikit sa ihi, laway, o dumi ng mga dagang may impeksiyon, lalo na sa mga lugar na marumi, sarado, o matagal nang pinamumugaran ng peste.

“The disease begins with flu-like symptoms but may rapidly progress to severe respiratory or kidney complications depending on the virus involved,” ayon sa WHO.

Ipinaliwanag ng ahensya na sa mga bansa sa North at South America, maaari itong humantong sa hantavirus cardiopulmonary syndrome o HCPS—isang mapanganib na kondisyon na umaatake sa baga at puso at may case fatality rate na maaaring umabot sa kalahati ng mga kaso.

“Although uncommon globally, hantavirus infections remain a major public health concern because of their potential severity and high case fatality in some regions,” dagdag pa ng WHO.

Batay sa tala ng WHO, tinatayang nasa 10,000 hanggang mahigit 100,000 kaso ng hantavirus infection ang naitatala sa buong mundo kada taon, kung saan pinakamataas ang bilang ng mga kaso sa Asia at Europe.

Binigyang-diin din ng organisasyon na wala pang lisensyadong bakuna o antiviral treatment laban sa sakit kaya nananatiling mahalaga ang maagang pagkilala sa sintomas at agarang suportang medikal.

Dahil dito, hinimok ng WHO ang publiko na paigtingin ang kalinisan sa tahanan at komunidad, iwasan ang direktang pagkakalantad sa mga daga, at agad magpakonsulta sakaling makaranas ng lagnat, pananakit ng katawan, hirap sa paghinga, o iba pang kahina-hinalang sintomas.

Ipinapanalangin naman ng Simbahan ang kaligtasan ng lahat sa banta ng mga umiiral na nakahahawang sakit, kasabay ng panawagan para sa pagkakaisa, malasakit, at sama-samang pananagutan sa pangangalaga sa buhay ng bawat isa.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 7,297 total reads

 7,297 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 19,545 total reads

 19,545 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 91,491 total reads

 91,491 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 177,992 total reads

 177,992 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 221,026 total reads

 221,026 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 269,845 total reads

 269,845 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 193,630 total reads

 193,630 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top