Iligtas ang Sierra Madre, tutulan ang Kaliwa dam project!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,399 total reads

September 26, 2020-2:02pm

Ang lahat ng nilalang ng Diyos ay biyaya para sa lahat ng sangnilikha.

Ito ayon kay Fr. Pete Montallana, OFM-chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance (SSMNA), kasabay ng paggunita sa Season of Creation.

Paliwanag ng pari na maibabahagi ang pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng pangangalaga sa lahat ng mga nilalang ng Diyos, tulad ng mga hayop at halaman na malaki ang naitutulong at nagbibigay rin ng buhay para sa mga tao.

“Lalo na ngayong nasa season of creation tayo, maganda na nakikita natin na sa ating pananampalataya, ang lahat ng nilalang ng Diyos ay regalo niya sa atin. Ang pagmamahal natin ay maipapaliwanag natin sa pamamagitan ng pag-aalaga ng kaniyang ginawa para sa atin kasi mahal tayo ng Diyos e. Kailangan nating alagaan ang kanyang mga regalo sa atin kasi yan naman ang nagbibigay ng buhay sa atin,” ayon kay Fr. Montallana sa panayam ng Radyo Veritas.

Tinututulan rin ni Fr. Montallana ang New Centennial Water Source–Kaliwa Dam Project na balak ng pamahalaan na itayo sa bulubundukin ng Sierra Madre dahil sa epekto nito kalikasan lalo na sa mga katutubong naninirahan doon.

Itinanggai rin ng pari na pinahintulutan ng mga katutubong ang pagtatayo ng Kaliwa Dam.

“Nilabag nila yung pagmamay-ari ng katutubo sa Sierra Madre. ‘Yung kanilang nilabas na mga sinasabi ng MWSS na ang katutubo raw pumayag na, e niloko lang nila naman yung mga katutubo e. More than majority naman ng mga katutubo na, NO, ayaw nila ng Kaliwa dam pero minanipulate ng MWSS.”, pagbibigay-diin ng pari.

Hiniling naman ni Fr. Montallana sa pamahalaan na huwag nang itayo ang Kaliwa Dam na malaki ang maidudulot na pinsala sa Sierra Madre.

“Sana kung talagang mahal natin ang Sierra Madre, ‘wag na itutuloy ang kaliwa dam; ‘wag na itutuloy ang pagmimina doon sa Nueva Vizcaya, sa Didipio; ‘wag nang itutuloy ang pagtatayo pa ng mga coal-fired power plant sa Quezon. ‘Yan ang totoong pangangalaga ng kalikasan. At sana ay wag nang gagawin pang tuluy-tuloy ‘yung Ilagan-Divilacan Road, na yun ay pumutol nang napakaraming kahoy na talagang doon sa bandang Isabela at nadi-displace din doon yung mga katutubo.” Dagdag pa ng pari.

Ang Kaliwa Dam Project ng MWSS na nagkakahalaga ng mahigit PHP 12.20-Bilyon ay layuning makapagbigay ng karagdagang patubig sa buong Metro Manila at karatig na lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GUILTY?

 36,115 total reads

 36,115 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 70,563 total reads

 70,563 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 126,969 total reads

 126,969 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 248,734 total reads

 248,734 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 177,321 total reads

 177,321 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top