6.0 magnitude na lindol, nag-iwan ng structural cracks sa mga simbahan sa Eastern Samar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,302 total reads

Nag-iwan ng pinsala sa ilang parokya sa Eastern Samar ang 6.0 magnitude earthquake na tumama nitong Lunes, ikaapat ng Mayo, batay sa mga ulat mula sa social arm ng Diocese of Borongan at mga lokal na opisyal.

Ayon kay Caritas Borongan Director Fr. James Abella, may mga simbahan at kapilya na nagkaroon ng bitak sa pader at natanggalan ng kisame.

Sa San Pedro Calungsod Quasi-Parish sa Barangay San Eduardo “Bolo”, Oras, naputol ang mga kamay ng imahen ni Hesukristo sa altar dahil sa lakas ng pagyanig.

“May mga structural cracks at damages na nakita sa ilang simbahan at chapels, kabilang ang aming tanggapan sa Caritas Borongan,” ayon kay Fr. Abella.

Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang tectonic earthquake bandang alas-2:09 ng hapon, na ang lokasyon ng epicenter ay siyam na kilometro hilagang-kanluran ng San Julian at may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Intensity 5 sa mga bayan ng Can-avid sa Eastern Samar; Dulag at Alangalang sa Leyte; at Gandara sa Samar, habang naramdaman din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Southern Leyte, Sorsogon, Masbate, Iloilo, at Davao Occidental.

Ayon pa sa Phivolcs, nasa 29 na bayan at lungsod sa Eastern Visayas ang itinuturing na bulnerable sa lindol dahil sa Philippine Fault Zone at iba pang fault lines.

Sa kasalukuyan, wala pang naitatalang casualty ngunit patuloy ang paalala ng mga kinauukulan sa publiko na maging handa sa posibleng aftershocks.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 61,665 total reads

 61,665 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 148,163 total reads

 148,163 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 191,198 total reads

 191,198 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 240,958 total reads

 240,958 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 399,176 total reads

 399,176 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 192,284 total reads

 192,284 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top