Simbahan, nanawagan ng panalangin sa kaligtasan ng mamamayan sa pananalasa ng bagyong Rolly at Siony

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,388 total reads

Hinikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mamamayan na magkaisa sa panalangin upang i-adya ang Pilipinas sa epekto ng pag-landfall bagyong Rolly.

Ayon kay Bishop Gaa, wala nang hihigit sa kapangyarihan ng Diyos upang pigilin ang anumang sakuna hangga’t may pagkakaisa ang mananampalataya sa pagdarasal.

“Pinagdadasal po natin ang lahat ng tao na maapektuhan po ng bagyong Rolly, kailangan magkaisa tayo na humingi ng biyaya at tulong ng Diyos na maging ligtas po ang lahat,” panawagan ni Bishop Gaa sa mananampalataya sa panayam ng Radio Veritas.

Tinataya ng PAG-ASA magla-landfall ang bagyong Rolly sa Linggo o Lunes ng umaga.

Kasalukuyang nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Rolly kung saan mas lumakas ito habang papalapit sa lupa at tinatayang aabot sa 165 hanggang 185 kilometro kada oras ang lakas ng hanging taglay ng bagyo.

Ipinagdarasal din ni Legazpi Bishop Joel Baylon na mabigyang proteksyon ang lahat lalo na’t humaharap sa krisis ang mamamayan dulot ng pandemya.

“Panginoong aming Diyos, muli po kaming dumudulog sa Iyong harapan sa paghingi ng tulong, kalinga at proteksiyon sa mga pagsubok na hinaharap namin ngayon; Ipadala Mo sa amin ang Iyong mga anghel upang ipagtanggol kami at ilayo sa kapahamakan at sakit na maaring idulot ng mga paparating na bagyong Rolly at Siony,” ayon kay Bishop Baylon.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council umabot sa 16 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Quinta sa bansa habang umabot sa mahigit pitong daang milyong piso ang nasirang ari-arian at kabuhayan.

Kapwa rin hinimok ni Bishop Gaa at Bishop Baylon ang mananampalataya na huwag kalimutan ang kapwa sa panahon ng mga sakuna at kalamidad partikular ang mga higit maapektuhan.

“Tulungan Mo rin kami na, sa abot ng aming makakaya’t kagalingan, makatulong sa aming kapwang higit na nangangailangan,”dagdag ni Bishop Baylon.

Hinimok naman ni Nueva Caceres Archbishop Rolando “Tria” Tirona ang mga Pari at religious communities ng Arkidiyosesis na magsagawa ng prayer vigil para i-adya sa kapahamakan ang mga lugar na tatamaan ng bagyong Rolly.

“I enjoin you dear Parish priests and Religious communities to have a prayer vigil or offer a votive Mass to spare our people and Mother nature from further sufferings and pain the two typhoons may bring”.mensahe ni Archbishop Tirona

Patuloy din ang pagkilos ng simbahan sa pangunguna ng mga social action centers ng mga diyosesis upang tulungan ang mga nasalanta ng kalamidad.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 18,451 total reads

 18,451 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 39,040 total reads

 39,040 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 109,208 total reads

 109,208 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 194,576 total reads

 194,576 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 241,312 total reads

 241,312 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 289,184 total reads

 289,184 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 387,523 total reads

 387,523 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 315,448 total reads

 315,448 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 421,543 total reads

 421,543 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top