Apela ng Diocese of Virac sa mamamayan, buksan ang tahanan sa maaapektuhan ng bagyong Ulysses

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 907 total reads

Nakahanda na ang Diocese ng Virac, Catanduanes sa posibleng pananalasa nang binabantayang bagyong Ulysses.

Ayon kay Fr. Renato “Atoy” dela Rosa, Social Action Director ng Diyosesis, nagsagawa na ng preventive evacuation ang mga lokal na pamahalaan ng lalawigan at paghahanda ng mga maaaring ipamahaging tulong sa mga maaapektuhang pamilya.

Problema naman ng Diocese ang kakulangan ng mga evacuation building para maging pansamantalang matutuluyan ng evacuees.

Dahil dito, nanawagan si Fr. dela Rosa sa mga may-ari ng tahanan na handang tumulong at magpatuloy ng mga residenteng higit na maaapektuhan ng bagyo.

“Problem po ang mga evacuation buildings. Kaya nanawagan uli sa dati[ng] ginawa [noong] bagyong Rolly na sa mga bahay na [pwede] maka-accommodate ng evacuees,” ang pahayag ni Fr. dela Rosa sa panayam ng Radyo Veritas.

Humihiling naman ng panalangin ang diyosesis na i-adya sa kapahamakan ang mamamayan.

Umaapela din ang Pari ng tulong sa pagbangon ng mga apektado ng magkasunod na bagyong Quinta at Rolly.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang bagyong Rolly ang ikalawang super typhoon category na nanalasa sa Pilipinas kasunod ng super typhoon Yolanda na puminsala naman sa Eastern Visayas region noong 2013 kung saan mahigit sa 6,000 katao ang naitalang nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 11,459 total reads

 11,459 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 61,828 total reads

 61,828 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 195,716 total reads

 195,716 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 281,099 total reads

 281,099 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 344,154 total reads

 344,154 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 226,474 total reads

 226,474 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top