Pagbabayanihan, kailangan sa magkasunod na pananalasa ng bagyo sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,491 total reads

Nagpaabot ng panalangin ang Archdiocese of Manila sa mga biktima ng bagyong Ulysses na nanalasa sa Metro Manila at ilang mga lalawigan sa Luzon na nagdulot ng malawakang pagbaha.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, higit kailanman ay kinakailangan sa ngayon na ipalaganap ang pagkakaisa at pagtutulungan sa kabila ng magkakasunod na kalamidad at ang patuloy na banta ng pandemya.

Hinimok ni Bishop Pabillo ang bawat isa na patuloy na manalangin at tulungan ang mga naapektuhan ng bagyo.

Hinikayat din ng Obispo ang lahat na patuloy na magpaabot ng tulong sa mga higit na nangangailangan lalung-lalo na sa mga residenteng matinding tinamaan ng bagyo.

“Magtulungan tayo sa ganitong panahon. Patuloy tayo na magdadasal at pagkatapos ng bagyo, kung anumang masi-share natin, ishare natin sa iba lalung-lalo na sa mga napinsala ng bagyong ito. Magkaisa po tayo!” ang mensahe ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Dalangin din ni Bishop Pabillo, ang patuloy na patnubay ng Panginoon sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Prayer
Bishop Broderick Pabillo

“O Diyos Amang mapagmahal, kami po’y humihingi ng tulong Sa’yo ngayong dumadating na naman at nandito na ang bagyong Ulysses at marami pong mga kababayan namin lalung-lalo na sa Bicol ay tinatamaan ngayon. Napapanganib din kami dito sa Southern Tagalog, at ganun din sa Maynila na tamaan ng bagyo. Kami po’y humihingi ng tulong. Gabayan N’yo po, iligtas kaming lahat at kung maaari po ay palampasin Mo ang bagyo, pahinain, palihisin sa amin at konti sana ang mga mapipinsala sa mga istruktura, sa mga tanim at lalung-lalo na sa mga buhay ng mga tao. Palakasin Mo po ang aming pananalig at naniniwala po kami sa Iyong pag-ibig sa amin. Kaya’t tulungan N’yo po kami sa ganitong pangyayari.

Ito pong lahat ay hinihingi namin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 13,259 total reads

 13,259 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 63,625 total reads

 63,625 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 197,437 total reads

 197,437 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 282,820 total reads

 282,820 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 345,781 total reads

 345,781 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top