Ibat-ibang Diyosesis, kumikilos na para tulungan ang mga nasalanta ng bagyong Ulysses

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 750 total reads

Nagdulot ng matinding pinsala ang bagyong Ulysses sa iba’t-ibang diyosesis sa bansa at patuloy na ring nagsasagawa ng pagtulong sa mga higit na naapektuhan nito.

Ayon sa ulat ni Fr. Michael Reuben Cron, Social Action Center Director ng Diocese ng Imus, aabot sa 1,554 na pamilya at 5,353 mga indibidwal ang mga nagsilikas dahil sa epekto ng bagyo.

Karamihan sa mga nagsilikas ay nagmula sa Cavite City at bayan ng Noveleta na ang lokasyon ay malapit sa dagat na mapanganib sa banta ng storm surge.

Ayon naman kay Fr. Dondi Sayson, SAC Director ng Diocese ng Gumaca, Quezon, umabot sa 1,436 ang mga higit na apektadong pamilya sa Diocese.

Malubha ring naapektuhan ang nasa 20 parokya at nasa 14 naman ang lubog sa baha.

Sinabi rin ni Fr. Sayson na may ilang kalsada rin ang hindi madaanan tulad ng Maharlika Hi-way sa bayan ng Lopez at Mulanay hanggang sa San Francisco Road.

Maayos at maganda na rin ang panahon sa Diocese ng San Fernando de La Union at Archdiocese ng Lingayen-Dagupan bagamat naranasan ang malakas na pag-uulan at hangin na nagresulta sa mga tumbang puno at ilang tahanan na natanggalan.

Samantala, sa Diocese ng Alaminos at Urdaneta sa lalawigan ng Pangasinan at Archdiocese ng Nueva Segovia sa Vigan, Ilocos Sur ay patuloy pa ring nararanasan ang pabugso-bugsong hangin at pag-uulan.

Magsasagawa naman ng pag-iikot sa iba’t ibang parokya ang SAC ng Diocese ng Alaminos upang tingnan ang mga pinsalang iniwan ng bagyo maging ang kalagayan ng mga pamilyang apektado nito.

Patuloy naman na humihiling ng panalangin ang mga diyosesis gayundin ang pangangalap ng tulong para sa mga apektadong residente na muling makabangon mula sa matinding epekto ng magkakasunod na bagyo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,295 total reads

 11,295 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,536 total reads

 239,536 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,002 total reads

 133,002 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,031 total reads

 227,031 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,820 total reads

 270,820 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 149,094 total reads

 149,094 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top