5-milyong piso, tulong pinansiyal ng Caritas Manila sa 5-Diyosesis na sinalanta ng bagyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,717 total reads

Naglaan ng tig-isang milyong piso ang Caritas Manila sa bawat diyosesis na labis na nasalanta ng nagdaang Super Typhoon Rolly.

Ito ang inihayag ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila kasabay na rin ng pahayag ng pagtugon naman sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Ayon sa pari, tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap ng donasyon ng Caritas Manila matapos ang isinagawang Caritas Oplan Damayan Telethon na umaabot na sa walong milyong piso ang nakakalap.

“Maraming tumugon sa ating Typhoon Rolly Telethon, nakalikom tayo ng seven to eight million. May mga dumarating pa. basically tag-iisang milyon sa mga dioceses na tinamaan lalung lalu na sa Bicol Region,” ayon kay Fr. Pascual.

Ito ay bukod pa sa paunang 200-libong piso na ibinahagi ng Caritas Manila sa limang diyosesis na naapektuhan ng malakas na bagyo.

Kabilang sa mga tumanggap na tulong sa Caritas Manila ang mga diyosesis ng Legazpi, Daet, Virac, Catanduanes at Gumaca.

Sa kasalukuyan ay naghahanda rin ang social arm ng Archdiocese of Manila para naman tumugon sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses na nagdulot naman ng malawakang pagbaha sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga lugar na labis na binaha ang Maynila, Marikina, Bulacan, Rizal at Cavite.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 25,328 total reads

 25,328 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 76,660 total reads

 76,660 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 124,531 total reads

 124,531 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 228,479 total reads

 228,479 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 313,277 total reads

 313,277 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top