Pagbabayanihan, kailangan sa magkasunod na pananalasa ng bagyo sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,369 total reads

Nagpaabot ng panalangin ang Archdiocese of Manila sa mga biktima ng bagyong Ulysses na nanalasa sa Metro Manila at ilang mga lalawigan sa Luzon na nagdulot ng malawakang pagbaha.

Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, higit kailanman ay kinakailangan sa ngayon na ipalaganap ang pagkakaisa at pagtutulungan sa kabila ng magkakasunod na kalamidad at ang patuloy na banta ng pandemya.

Hinimok ni Bishop Pabillo ang bawat isa na patuloy na manalangin at tulungan ang mga naapektuhan ng bagyo.

Hinikayat din ng Obispo ang lahat na patuloy na magpaabot ng tulong sa mga higit na nangangailangan lalung-lalo na sa mga residenteng matinding tinamaan ng bagyo.

“Magtulungan tayo sa ganitong panahon. Patuloy tayo na magdadasal at pagkatapos ng bagyo, kung anumang masi-share natin, ishare natin sa iba lalung-lalo na sa mga napinsala ng bagyong ito. Magkaisa po tayo!” ang mensahe ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.

Dalangin din ni Bishop Pabillo, ang patuloy na patnubay ng Panginoon sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Prayer
Bishop Broderick Pabillo

“O Diyos Amang mapagmahal, kami po’y humihingi ng tulong Sa’yo ngayong dumadating na naman at nandito na ang bagyong Ulysses at marami pong mga kababayan namin lalung-lalo na sa Bicol ay tinatamaan ngayon. Napapanganib din kami dito sa Southern Tagalog, at ganun din sa Maynila na tamaan ng bagyo. Kami po’y humihingi ng tulong. Gabayan N’yo po, iligtas kaming lahat at kung maaari po ay palampasin Mo ang bagyo, pahinain, palihisin sa amin at konti sana ang mga mapipinsala sa mga istruktura, sa mga tanim at lalung-lalo na sa mga buhay ng mga tao. Palakasin Mo po ang aming pananalig at naniniwala po kami sa Iyong pag-ibig sa amin. Kaya’t tulungan N’yo po kami sa ganitong pangyayari.

Ito pong lahat ay hinihingi namin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 82,865 total reads

 82,865 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 123,425 total reads

 123,425 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 146,261 total reads

 146,261 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 194,529 total reads

 194,529 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 213,381 total reads

 213,381 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 27,942 total reads

 27,942 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top