Taong 2020, ituring na taon ng “purification”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 773 total views

Hindi dapat ituring ng mga Filipino ang Taong 2020-bilang isang malas o mapaminsalang taon dulot na rin ng pandemic novel coronavirus at ang sunod-sunod na kalamidad na dumating sa bansa simula noong Enero.

Ayon kay Fr. Angel Cortez, executive secretary ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) for Men, ang bawat taon ay itinalaga bilang taon ng Panginoon na tuwinang nagbibigay ng biyaya at pagpapala sa sangkatauhan.

Ipinaliwanag ng Pransiskanong pari na sa halip ay dapat ituring ang kasalukuyang taon bilang taon ng paglilinis o ‘purification’.

Ito ay sa pamamagitan ng pagninilay sa ating pananampalataya, pagtingin sa kalikasan gayundin sa usapin ng pulitika.

PANANAMPALATAYA
“Dapat ituring ang taong 2020 bilang A year of great realization na as we celebrate the 500 years, dapat meron na tayong realization sa buhay natin bilang mga katoliko na hindi lamang tayo sinakop ng mga Kastila para maging Katoliko, that we are destined to be people of God. And also, we anticipate hope after we experienced everything yun bang lalu nating mapalalim ang pananampalataya, yung grasya, yung awa ng Diyos nandoon all through-out pandemic. Hindi Nya tayo pinabayaan, tayo ang lumalayo dahil ang tingin natin pinaparusahan tayo,” ayon kay Fr. Cortez.
Ipinagdarasal ng pari na ang bawat isa ay magkaroon ng pagbabalik loob at pagsusuri sa ating pananampalataya na magdudulot nang higit pang pagkilala sa mga biyaya ng Diyos lalu’t naghahanda ang buong Pilipinas para sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa bansa na ipagdiriwang simula sa taong 2021 hanggang 2022.

“So, at least hindi lang tayo nag-celebrate, kundi dinaanan natin ang proseso. Katulad ng mga kristiyano noon bago dumating ang kristiyanismo dito,” ayon kay Fr. Cortez.

PULITIKA
Ipinaliwanag pa ni Fr. Cortez na ang purification ay hindi lamang sa usapin ng pananampalataya kungdi maging ang ating pananaw sa pulitika at mga usaping panlipunan.

Sinabi ni Fr. Cortez na isa rin itong pagkakataon na makilala ang bawat lider ng pamahalaan sa kanilang pagmamalasakit sa mamamayan lalu na sa panahon ng pangangailangan.

“Nasubok natin ang ating liderato natin ngayon. Sino talaga ang mayroong hangarin na magsilbi. Kaya makikita mo ngayon kung sino ang may malasakit.

KALIKASAN
Bukod sa pandemya, labis din ang tinamong pinsala at lawak ng epekto sa mamamayan ng pananalasa ang magkakasunod na bagyo.

Dahil sa malawakang pagbaha ay maraming mga pamayanan ang nalubog sa baha at mga pagguho ng lupa.

Ayon sa pari, nawa ay mapagnilayan ng bawat mamamayan ang pagsasantabi sa pangangalaga ng kalikasan at ang pagbibigay ng halaga sa mga nilikha ng Diyos tulad ng mga puno at bundok na ating pananggalang laban sa mga kalamidad.

Sa pagbubukas ng taon, sumabog ang bulkang Taal, lumaganap ang novel coronavirus at ang magkakasunod na pananalasa ng malalakas na bagyo sa bansa kaiblang ang Super Typhoon Rolly at Ulysses na nagdulot ng labis na pinsala sa malaking bahagi ng Luzon kasama na ang Metro Manila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 36,563 total views

 36,563 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 50,140 total views

 50,140 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 78,704 total views

 78,704 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 127,800 total views

 127,800 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 120,840 total views

 120,840 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 86,445 total views

 86,445 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 274,249 total views

 274,249 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top