Huwag isantabi ang banta ng HIV-AIDS sa gitna ng COVID 19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 720 total reads

Pinaalalahanan ng health ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na huwag kalimutan na bukod sa corona virus ay may iba’t ibang karamdaman na banta sa kalusugan.

Ayon kay Camillan Priest Fr. Dan Cancino, Executice Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Health Care maraming Filipino rin ang dumaranas ng iba’t ibang uri ng sakit tulad ng cancer, tuberculosis, HIV/AIDS at iba pa.

“Bago dumating ang COVID-19 mayroon na tayong iba’t ibang mga sakit, huwag sana nating kalimutan na may mga ibang hamon din ang ating mga Kapanalig na may karamdaman katulad ng cancer at HIV,” pahayag ni Fr. Cancino sa panayam ng Radio Veritas.

Ang pahayag ng kamilyanong pari ay kasabay ng paggunita sa World AIDS Day tuwing unang araw ng Disyembre.

Tema ngayong taon ang ‘Global Solidarity, Shared Responsibility kung saan hinihimok ang mamamayan na magkaisang labanan ang paglaganap ng nakakahawang sakit sa lipunan tulad ng HIV/AIDS sa pamamagitan ng pagiging responsableng mamamayan.

Pagbabahagi pa ni Fr. Cancino na sa kasalukuyang tala ay umabot na sa humigit kumulang 80, 700 ang bilang ng mga Filipinong may HIV/AIDS mula 1984 hanggang nitong Setyembre 2020.

Saad pa ni Fr. Cancino na bahagyang bumaba ang kaso ng HIV/AIDS sa bansa ngayong taon kung saan naitala ang 21 kaso kada araw kumpara sa 30 kaso kada araw noong 2019.

Bagamat magandang balita ito para sa lahat, hindi pa rin matiyak kung ang pagbaba ng kaso ay bunsod ng pag-iingat ng tao o dahil sa kawalan ng sapat na access ng mga Filipino sa HIV testing dahil sa epekto ng COVID-19.

Tiniyak ng Camillan Doctor-Priest na patuloy ang simbahan sa pamamagitan ng Philippine Catholic HIV/AIDS Network sa paglingap sa mga persons living with HIV.

“Sa ating mga kapatid na may karamdaman na COVID-19 at may HIV hindi kayo nag-iisa ang simbahan ay nakikiisa sa inyo at kami ay may pananagutan para kayo ay kalingain; mapatikim sa inyo ang totoong pagmamahal hindi galing sa amin pero galing sa ating Poong Maykapal,” dagdag pa ng opisyal ng CBCP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 75,062 total reads

 75,062 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 115,621 total reads

 115,621 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 139,069 total reads

 139,069 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 187,337 total reads

 187,337 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 206,506 total reads

 206,506 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top